Wednesday, September 11, 2019

SI BULAN DIWATA NG BUWAN

Bulan diwata ng Buwan





Si Bulan ang sinaunang diwata ng buwan sa mitolohiyang Bikolano, siya ang mataas na diwata o diyos ng Buwan. Sinaunang kumakatawan sa liwanag at proteksyong hatid ng buwan.
Si Bulan ang diyos ng Buwan sa Ibalong, siya ang Sinaunang diyos ng Buwan na hinalilinan at ipinagtatangol ni Haliya

Bulan



Ang Bulan at ang Adlao at pinagbubunyi at kinaririktan ng mga sinaunang tao ng Ibalong. Gaya ni Adlao Muling nagbalik mula sa kawalan patungo sa kamaurayan si Bulan. Inilagay ni Poong Gugurang si Bulan sa kalangitan. Mula sa lupa hindi mapantayan sa kalangitan ang liwanag ni Bulan ay matatanaw.





Sa mga kwento si Bulan ay may katawang gawa sa bronse o tanso ngunit kapag siya ay bumababa sa lupa siya ay nagkakakatawang tao bilang magandang lalaki o binata. Sinasabing Walang kapintasan ang kanyang maamong mukha. Isang magandang binata ang anyo ni Bulan. Makinis at tila sutla at napakaputi ng kanyang balat. Ang kanyang mahabang buhok at mata ay sing itim ng hating gabi.


Nilagay ni Gugurang sa kaitaasan si Bulan, Ngunit malungkot ang nagiisa. Mula sa kanyang liwanag nilalang niya ang isang napakagandang diwata, magkahalintulad ang kanilang kinang. Magadang diwata na si Haliya. Ngunit magkasalungat ang kanilang gawi at ugali. Si Bulan ay mayumi, pala ngiti, malambing at mapaglaro samantalang walang kibo at hindi nagpapakita ng damdamin si Haliya.
Nilalang ni Gugurang ang mga tawong lipod o mga mababang uri ng diwata ng ulap at hangin upang makasama at paglingkuran ang mga dayaw na si Haliya at Bulan.


Bulan ang diwata o diyos ng Buwan sa mitolohiyang Bikolano

Bulan god of the Moon



Sinasabing napaka amo at napaka dalisay ng wangis ni Bulan, sa kanyang pag baba sa lupa mula sa langit ang kanyang kinam ay di mapantayan. Nang makita ng mga halimaw at aswang ang kanyang wangis ay pansamantala silang naging maamo. Nang makita ng mga ibon at lumilipad na nilalang ang kanyang mukha ay nagsilaglagan sila, ang mga isda ay pansamantalang nalimutang lumangoy. Maging ang mg mababangis na aswang ng dagat na magindara ay napaamo ni Bulan. 








Ang bulaklak ng Sawa at bulaklak ng Takay

Ang mga taong lipod ay ang mga ispiru ng hangin at ulap, sila ang mga mababang diwata na siyang naglilingkod sa mga dayao. Nais ng mga tawong lipod matuklasan kung ano ba ang mayroon sa lupa. Sakanilang pagtataka at paguusisa ay di sinasadyang marinig ni Haliya ang mga ito. Kimubinsi ng mga taong lipod na bumama sa lupa si Haliya, si Haliya naman ay pinilit si Bulan na sumama pababa sa lupa. Noong una ay ayaw pa ni Bulan bumaba sa, ngunit sa pag pupumilit ng kapid ay pumayag na rin ito. 





Mula sa kaintaasan ng kamurayan ay dahang dahang bumaba si Haliya at Bulan, kasunod ng mga tawong lipod. walang kupas ang kinang ng dalawa, ang pag baba ni Haliya at Bulan ay isang kagilagilalas na pangyayari. Sa kanilang kagandahan ay napatingil sa pag lipad ang mga ibon at mga lumilipad na nilalang. Pagtapak sa lupa ni Haliya at Bulan ang mga halimaw ng lupa ay pansamantalang naging maamo.Dahil sa kanilang taglay na kagandahan ang mga mababangis na aswang dagat na magindara ay naging maamo. Sa labis labis na kagandahan at busilak na liwanag na kanilang taglay pansamantalang nalimutan ng mga isda na lumangoy. Nagtampisaw sa lawa ng Bato si Haliya at Bulan. Ang mga halaman ay nag bulungan at nahiya. Tinanong ni Haliya ang mga ito. Sumagot ang mga halaman na hindi sila karapat dapat kausapin ng mga Buwan dahil sila ay mga halamang tubig lamang. Naantig si Haliya at Bulan sa mga kataga ng halaman. Bilang gantimpala sa kababaang loob pjnagkalooban nila ng kagandahan ng mga ito. Ang mga halaman ay naging bulaklak ng sawa (lotus)at bulaklak ng takay.(water hyacinth). Ang mga bulaklak na ito ay kumakatawan sa kababaang loob kanilisan ng kalooban ng puso. Makikitang kahit sa pinakamaputik na lugar ay namumukadkad ng nakaangat ng walang bahid ang mga ito. Ang tangkay naman ay nanatiling nakababad sa putik, simbulo na kailan man ay hindi mag mamataas.







Ang bulaklak ng sawa at ng takay ay kumakatawan sa pagiging mabait, mapagkumbaba at pagiging palakaibigan ng mga Bikolano. Ang putik at yurak na tinutubaan ng mga ito ay ang pasakit at paghihirap sa buhay na hindi maiiwasan, ang mamumukadkad ng mga bulaklak ay kumakatawan sa kalinisan ng budhi at pagiging masikap ng mga Bikolano. Ang tangkay na nakalubog sa putik ay gaya ng mga paang nakatapak sa lupa, ang magiging mabait at mapagkumbaba.




Bilang mga mahalagang bulaklak, sagisag ngl uklukan ng mga diwata o diyos ng Buwan ito ng malinis na budhi at kababaang loob


Bulan


Ang Bakunawa

Matagal nang humahanga at umaasa ang Bakunawa na mapasakanya ng Buwan.
Maraming ibat ibang  kwento tungkot sa Bakunawa, laganap sa buong kapuluan. Sa Ibalong ,Ang bakunawa ay isang sinaunang diwata, isang diyos sa kailaliman. Gaya ng ibang nilalang nabighani ang si Bakunawa sa taglay na ningning ng mga dayao. Laging pinagmamasdan, laging tinitingala at laging umaasa si Bakunawa na mapansin manlang siya ni Bulan. Siang gabi bumaba mula sa kalangitan si Bulan at si Haliya. Masayang nag tampisaw at lumangoy kasama ng mga Magindara o sirena. Napagtanto ni Bakunawa na ito na ang tamang panahon upang lumapit at magtapat sa Bulan na kanyang laging tinitingala at tinatanaw. 





Nanglumapit si Bakunawa ay hindi siya napansin ni Bulan, pagkat ito ay masayang lumalangoy at nakikipaglaro sa mga sirena at iba pang nilalang. Napuno ng pag iimbot at galit si Bakunawa, ang tamis ng kanyang pagsinta ay napalitan ng pait at hapdi. Pinangako niya na mapapasakanya si Bulan. Nagpalit anyo ang diwata ng kailaliman, siya ay naging malaking nilalang na may kaliskis, isang dambuhalang halimaw na ang bibig ay sing-laki ng lawa. 


Mula sa kaibuturan ng dagat ay umabon ang Bakunawa upang lamunin si Bulan. Napansin ni Haliya ang paparating na panganip. Kanyang sinuot ang kanyang gayak pandigma, kinuha ang kampilang yari sa liwanag ng mga bituoon, at ang maskarang ginto. Kinalaban ni Haliya ang dambuhalang Bakunawa upang iligtas ang kanyang kapid. Nakita ni Gugurang (ang pinaka makapangyarihang diyos) ang mga naganap. Pinarusahan niyang manatiling anyong dambuhalang halimaw si Bakunawa. Simula noon ay katungali na ni Haliya ang Bakunawa. Tagapag tangol ni Bulan si Haliya laban sa Bakunawa.




Diwata ng Buwan





















REMINDER

The orally transmitted mythology of the Philippines is intended for sharing and understanding, not for appropriation, commercial exploitation, or the promotion of foreigners and foreign products. It is a dynamic narrative tradition that evolves over time, distinct from the standardized mythologies found in Western and European cultures. Unlike these established mythologies, the Philippine government has not mandated standardized versions of stories and legends.

Orally transmitted stories undergo variations and evolve over time, resulting in numerous different versions. There are many different version told by Filipinos,and retold by Filipinos.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.