Si Asuang ang diwata o diyos ng kasamaan at kaguluhan ng sinaunang Ibalong.
Siya ang panginoon ng lahat ng mga halimaw at karaniwang aswang sa Ibalong, mula sa mga lumilipad na halimaw hangang sa mga aswang ng dagat.
Sinasabi na si Asuang ay kaakitakit na lalaki,may mahabang buhok, matangkad at matipuno ang pangangatawan. Ngunit ibinubunyag ng liwanag ng bwan ang tunay nitong anyo na nakakapangilabot na halimaw, may sungay, pangil at paa ng malaking kabing,kagaya sa modermong imahe ng demonyo.
Ayon sa alamat si Asuang ay naninirahan sa bulkan ng Malinao sa Bikol. Siya rin ang ama ng maraming kalating halimaw sa Ibalong, pinakakilala sa kanyang mga anak ay si Oryol na kalahating magandang dilag, kalahating higanteng ahas. Si Oryol ay may kapangyarihang mangakit at gawing sunod sunuran ang sinuma (babae,lalaki,binabayi,hayop,halimaw) makakarining ng kanyang malamyos at magandang tinig. Sunod ay ang mabait na si Magindara, na ang kalahati ng katawan ay puntot ng makulay na isda. Ang magandang tinig ni Magindara ay maykakayanang tumawag ulan at bagyo o magpahupa nito.
Si Asuang ay kinakatakutan sa Ibalong bilang panginoon ng kaguluhan at kasamaan. Pinaniniwalaang tinangka nitong nakawin ang apoy ni Gugurang. Ang apoy ni Gugurang ay nagbibigay kakayanan sa sinuman na buhayin ang mga bulkan at sunugin ang lahat ng bagay.Ngunit si Asuang ay nabigo pagkat mas makapangyarihan si Gugurang.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.