Tuesday, September 17, 2019

PULO NG MATUNGKAD, ANG TINAGONG DAGAT AT HIGANTENG BANGUS

Noong lumang panahon kung saan ang mga poon at diwata ay kasamang namumuhay ng mga tao. Isang pulutong ng maliit na kaharian na tinatawag na Ibalong ay maynaniirahang isangbinatang mangigisda. Kahit mahirap ang binata at may dugong alipin siya naman ay Mabait, magalang at masiyahin at may kaayaayang anyo:Matikas at matipuno, napakaganda ng pagkayumaging kulay. Siya ay kinagigiliwan ng kanyang mga nakakasalamuha at mga kasama.  Isang araw habang nangingisda may nahuli ang binata at mga kasamahan nito sa lambat. Laking gulat ng lahat ng mangingisda ng makitang may isang Magindara/Sirena sa lambat. Napakagandang nilalang na kalahating babae at kalahating isda, maganda ngunit mapanganib. Sisibatin na sana ng mga mangigisda ang Magindara ng biglang tumalon sa tubig ang binata at pinakawalan ang magandang nilalang.

Lumipas ang mga araw at masagana ang huli ng mga mangingisda, ngunit isang araw bigla nalamang  tumahimik at nagdilim ang paligid. Isang malakas at malaking bagyo ang biglang humalik sa dagat kung saan ang pulutong ng mangigisda ay naroon. Lahat ng mga bangka ay tangay ng malakas na hanging dulot ng bagyo. Ang mga mangingisda ay nagsipaghulog sa nagngangalit na karagatan. Natakot ang binata at nag dasal sa mga poon at diwata. Siya rin ay nalaglag sa dagat. Nagimbal ang binata sa kanyang nakita, nakakapangilabot, nakita niyang kinakain ng mga Magindara ang mga kapwa niya mangingisda. Natakot ang binata di lang  para sa kanyang buhay, ngunit maging para sa kanyang kaluluwa (naniniwala ang mga lumang tao ng Ibalong na ang kalag o kaluluwa ng isang tao, kapag nalunod sa dagat ay habang panahon mabibilango sa dagat). Isang Magindara ang sumogod sa binata. Nang imulat ng binata sya na ay nasa pangpang at ang magandang magindara ay lumalangoy ng palayo sakanya.

Dahil alam ng binata na ang Magindara ang nagligtas sakanyang buhay inabangan nya ito,at ng kanyang masumpungan ay madalas na silang magkita sa tagung bahagi ng baybayin. Nagkamabutihan ang makisig na binata at ang magandang magindara

Ang binata lamang ang nakaligtas sa malakas na bagyo, lahat ng mga kasama nyang mangingisda ng araw na iyon ay hindi nang nakauwi ng buhay.Pagkaraan din ng bagyo ay lagi ng masagana at nakakahuli ng mabilis at marami ang binata. Kadalasan din ay may mga kabibeng may hiyas na napapadpad sa kanyang lambat. Dahil dito unti unti nang umaangat ang estado sa buhay ng makisig na binata. Dahil rin dito madami ang naiingit sa kanyang mga natatamasang biyaya.


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.