Haliya |
Ang Diyosa nin Bicolandia, asin tagapagsurog nin Bulan |
Marami at iba iba ang kwento tungkol kay Haliya. Pagpasalinsalin ang kwento ni Haliya, Bulan at ng Bakunawa mula lumang pahanhon hangang sa kasalukyan..
sino si Haliya?
Sa mitolohiya at kwentong bayan siya ang diyosa ng Buwan na kalaban ng Bakunawa.
Si Haliya at Bakunawa
Bakunawa |
Maraming ibat ibang kwento tungkot sa Bakunawa, laganap sa buong kapuluan. Sa Ibalong ,Ang bakunawa ay isang sinaunang diwata, isang diyos sa kailaliman. Gaya ng ibang nilalang nabighani ang si Bakunawa sa taglay na ningning ng mga dayao. Laging pinagmamasdan, laging tinitingala at laging umaasa si Bakunawa na mapansin manlang siya ni Bulan. Siang gabi bumaba mula sa kalangitan si Bulan at si Haliya. Masayang nag tampisaw at lumangoy kasama ng mga Magindara o sirena. Napagtanto ni Bakunawa na ito na ang tamang panahon upang lumapit at magtapat sa Bulan na kanyang laging tinitingala at tinatanaw. Nanglumapit si Bakunawa ay hindi siya napansin ni Bulan, pagkat ito ay masayang lumalangoy at nakikipaglaro sa mga sirena at iba pang nilalang. Napuno ng pag iimbot at galit si Bakunawa, ang tamis ng kanyang pagsinta ay napalitan ng pait at hapdi. Pinangako niya na mapapasakanya si Bulan. Nagpalit anyo ang diwata ng kailaliman, siya ay naging malaking nilalang na may kaliskis, isang dambuhalang halimaw na ang bibig ay sing-laki ng lawa. Mula sa kaibuturan ng dagat ay umabon ang Bakunawa upang lamunin si Bulan. Napansin ni Haliya ang paparating na panganip. Kanyang sinuot ang kanyang gayak pandigma, kinuha ang kampilang yari sa liwanag ng mga bituoon, at ang maskarang ginto. Kinalaban ni Haliya ang dambuhalang Bakunawa upang iligtas ang kanyang kapid. Nakita ni Gugurang (ang pinaka makapangyarihang diyos) ang mga naganap. Pinarusahan niyang manatiling anyong dambuhalang halimaw si Bakunawa. Simula noon ay katungali na ni Haliya ang Bakunawa.
Ang bulaklak ng Sawa at bulaklak ng Takay
Ang mga taong lipod ay ang mga ispiru ng hangin at ulap, sila ang mga mababang diwata na siyang naglilingkod sa mga dayao. Nais ng mga tawong lipod matuklasan kung ano ba ang mayroon sa lupa. Sakanilang pagtataka at paguusisa ay di sinasadyang marinig ni Haliya ang mga ito. Kimubinsi ng mga taong lipod na bumama sa lupa si Haliya, si Haliya naman ay pinilit si Bulan na sumama pababa sa lupa. Noong una ay ayaw pa ni Bulan bumaba sa, ngunit sa pag pupumilit ng kapid ay pumayag na rin ito. Mula sa kaintaasan ng kamurayan ay dahang dahang bumaba si Haliya at Bulan, kasunod ng mga tawong lipod. walang kupas ang kinang ng dalawa, ang pag baba ni Haliya at Bulan ay isang kagilagilalas na pangyayari. Sa kanilang kagandahan ay napatingil sa pag lipad ang mga ibon at mga lumilipad na nilalang. Pagtapak sa lupa ni Haliya at Bulan ang mga halimaw ng lupa ay pansamantalang naging maamo.Dahil sa kanilang taglay na kagandahan ang mga mababangis na aswang dagat na magindara ay naging maamo. Sa labis labis na kagandahan at busilak na liwanag na kanilang taglay pansamantalang nalimutan ng mga isda na lumangoy. Nagtampisaw sa lawa ng Bato si Haliya at Bulan. Ang mga halaman ay nag bulungan at nahiya. Tinanong ni Haliya ang mga ito. Sumagot ang mga halaman na hindi sila karapat dapat kausapin ng mga Buwan dahil sila ay mga halamang tubig lamang. Naantig si Haliya at Bulan sa mga kataga ng halaman. Bilang gantimpala sa kababaang loob pjnagkalooban nila ng kagandahan ng mga ito. Ang mga halaman ay naging bulaklak ng sawa (lotus)at bulaklak ng takay.(water hyacinth). Ang mga bulaklak na ito ay kumakatawan sa kababaang loob kanilisan ng kalooban ng puso. Makikitang kahit sa pinakamaputik na lugar ay namumukadkad ng nakaangat ng walang bahid ang mga ito. Ang tangkay naman ay nanatiling nakababad sa putik, simbulo na kailan man ay hindi mag mamataas.
Ang bulaklak ng sawa at ng takay ay kumakatawan sa pagiging mabait, mapagkumbaba at pagiging palakaibigan ng mga Bikolano. Ang putik at yurak na tinutubaan ng mga ito ay ang pasakit at paghihirap sa buhay na hindi maiiwasan, ang mamumukadkad ng mga bulaklak ay kumakatawan sa kalinisan ng budhi at pagiging masikap ng mga Bikolano. Ang tangkay na nakalubog sa putik ay gaya ng mga paang nakatapak sa lupa, ang magiging mabait at mapagkumbaba.
Haliya |
Ibang sanaysay ukol sa bulaklak ng Takay
Namasadan mula sa kaitaasan at nasaksihan ni Haliya at Bulan ang pag iibigan ng mga mortal na si Takay at Kanaway. Nasaksihan nila ang puot at pag iimbot ng diyos ng bagyo at himpapawirin na si Onos, sa handlang sa pag iibigan ng dalawa. Dahil sa kasakiman ni Onos at nais niyang ma angkin ang dalagang si Takay ay nilubog niya ang buong Ibalong gamit ang daluyong. Di sinasadya ay nalunod ang kaawa awang si Takay at Kanaway. Naantig si Bulan at Haliya. kanilang muling pinagsama ang mga walang buhay na katawan ng magkasintahan at ginawang mga bulaklak ng Takay.
Si Haliya ang diwata ng liwanag ng buwan, ang bagong diwata ng buwan na sumasagisag sa katapangan at pagiging buo ng kalooban.Ang Diyosa nin Bicolandia, asin tagapagsurog nin Bulan, Ang paglaban nya kay Bakunawa ay tulad ng mga taong handang gawin ang lahat upang ipag tanggol ang mga minamahal sa buhay. Katapangan, pagpupursigi at kalinisan ng budhi.
Haliya |
REMINDER
The orally transmitted mythology of the Philippines is intended for sharing and understanding, not for appropriation, commercial exploitation, or the promotion of foreigners and foreign products. It is a dynamic narrative tradition that evolves over time, distinct from the standardized mythologies found in Western and European cultures. Unlike these established mythologies, the Philippine government has not mandated standardized versions of stories and legends.
Orally transmitted stories undergo variations and evolve over time, resulting in numerous different versions. There are many different version told by Filipinos,and retold by Filipinos.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.