Sunday, November 24, 2024

ANG MGA PAMAHIIN NG MGA BICOLANO SA PATAY AT BUROL

ANG MGA PAMAHIIN NG MGA BICOLANO SA PATAY AT BUROL NOONG ARAW

πŸ•³ Masama ang magwalis nang bahay habang hindi pa naililibing ang patay.
πŸ•³ Kapag nagliligpit ng mga plato bawal itong pagpatung-patungin dahil baka magkakasunod-sunod ang mamamatay.
πŸ•³ Bawal maligo at mag suklay ang pamilya ng namatay sa burol. Pwede din naman na makaligo sa ibang bahay ang mga myembro ng pamilya basta huwag lang kanilang mismong bahay.
πŸ•³ Dapat merong sariling upuan ang iniwang asawa ng namatay at bawal ito upuan ng iba, ang paniniwala ng matatanda kapag umupo ang isang taong may asawa sa upuan ng balo hindi magtatagal mamamatay din ang asawa niya.
πŸ•³ Huwag mag-uwi ng pagkain galing sa hinanda sa namatayn dahil maiuuwi daw ang malas galing sa patay.
πŸ•³ Kung buntis bawal dumungaw sa patay dahil mahihirapan daw itong manganak at pwedeng mamatay din ang bata habang nasa sinapupunan.
πŸ•³ Iwasang matuluan ng luha ang salamin ng kabaong ng namatay, mahihirapan daw umakyat sa pangalawang buhay ang espirito ng patay.
πŸ•³ Bawal matulog ang lahat sa pinaglalamayan. Dapat laging merong gising na nakabantay dahil baka kukunin ng aswang ang patay kung walang may nagbabantay.
πŸ•³ Ang barya na abuloy para patay ay bawal ibuhos mula sa lalagyan at bawal din mag-ingay sa pinaglagyan.
πŸ•³ Sa unang abuloy ng patay kailangan ipaypay sa pinto ang pera ng tatlong beses para marami pa ang tutulong o magbigay ng abuloy.
πŸ•³ Takipan ng tela ang salamin ng bahay na namatay habang dito nakaburol para hindi magpakita ang namatay.
πŸ•³ Bawal magpasalamat ang pamilya na namatayan sa mga bisita o sa mga nagbibigay ng abuloy.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.