Mitolohiyang Pilipino: Isang Buhay na Tradisyon
Ang mitolohiyang Pilipino ay isang makulay na koleksyon ng mga kwento, paniniwala, at alamat na naipasa mula henerasyon sa henerasyon. Nabuo ito mula sa pagsasanib ng animismo, impluwensya ng Hindu-Buddhismo, paniniwalang katutubo, at kolonyal na kasaysayan. Ang mga kwentong ito ay nagbibigay ng paliwanag sa pinagmulan ng mundo, mga likas na phenomena, at ugnayan ng mortal at espiritwal na mundo. Bukod sa aliw, naglalaman ang mga ito ng mga aral tungkol sa moralidad at kultura.
Mahalagang tandaan na ang mitolohiyang Pilipino ay hindi isang relihiyon. Isa itong sistema ng mga kwento at alamat na nagpapaliwanag ng mga paniniwala at kaugalian ng mga sinaunang Pilipino, ngunit wala itong organisadong pagsamba, doktrina, o banal na aklat tulad ng mga pangunahing relihiyon. Bagama’t maraming elemento nito ang konektado sa mga espiritwal na paniniwala, ito ay higit na isang anyo ng kultura kaysa sistemang panrelihiyon.
Pangunahing Tema ng Mitolohiyang Pilipino
Mga Alamat ng Paglikha:
- Isinasalaysay sa mitolohiyang Pilipino ang mga kwento tungkol sa pinagmulan ng mundo at ng tao. Halimbawa, sa mitolohiyang Tagalog, ang kataas-taasang diyos na si Bathala ang lumikha ng mundo matapos talunin ang mga karibal niyang diyos.
- Sa mitolohiyang Bisaya, sina Kaptan at Maguayan ang lumikha ng mundo, at mula sa kawayan lumitaw ang unang babae at lalaki.
- Sa mitolohiyang Bicolano, sina Langiton at Tubigan ang dahilan ng pagkakalikha ng mundo, mula rin sa kawayan umusbong ang unang babae at lalaki.
Epiko ng Sinaunang Bayani:
- Ang mitolohiyang Pilipino ay puno rin ng mga epikong kwento tungkol sa mga bayani tulad nina Lam-ang ng Ilokos, Aliguyon ng Ifugao, at Handiong ng Bicol. Ang kanilang mga kwento ay nagpapakita ng kagitingan, karunungan, at koneksyon sa kalikasan at mga diyos.
- Ang mga epikong ito ay mahalagang bahagi ng ating oral na tradisyon, na nagtuturo ng mga aral tungkol sa pagkakaisa, pagsasakripisyo, at pagmamahal sa bayan.
Mga Nilalang at Halimaw ng Mitolohiya:
- Isang tampok na aspeto ng mitolohiyang Pilipino ay ang kwento ng mga nakakatakot na nilalang tulad ng mga aswang, manananggal, tikbalang, kapre, at duwende.
- Ang mga kuwentong ito ay naglalarawan ng pakikibaka sa pagitan ng kabutihan at kasamaan, pati na rin ang paggalang sa hindi nakikitang mundo. Ang aswang, halimbawa, ay may iba’t ibang anyo sa bawat rehiyon, na nagpapakita ng yaman at pagkakaiba-iba ng ating kultura.
Mga Kwentong katatakutan at pakikipagsapalaran
- Mga Kwentong katatakutan tampok ang mga Maligno,Masamang Engkanto at mga ibat ibang uri ng mga halimaw at Aswang.
- Ang mga kwento ng kabayanihan ng mga Albularyo,Antingero,Manunugis na ginagabayan ng mga diwata at lambana.
- Labanan ng ibat ibang uri ng mga Aswang, engkanto at halimaw
Mga kwento ng romansa at pag-ibig
- Mga kwento ng tunay na pag-ibig, mga pinababawal na pagiibigan ng mga mortal at mga imortal. Pagiibigan ng mga diyos, halimaw atibp. At pag-ibig na wagas na handang hamakin ang lahat.
Ang Papel ng Mga diyos,diyosa at Espiritu ng Kalikasan:
Diwata - Anito |
- Diwata: Mga tagapangalaga ng kalikasan tulad ng kagubatan, ilog, at bundok. Pinagpapala nila ang mga taong may respeto sa kalikasan ngunit pinarurusahan ang mga naninira rito.
- Anito: Mga espiritu ng mga yumao at ninuno at mga diyos-diyosan na gumagabay at nagpoprotekta sa kanilang mga inapo.
Mga pangkalahatang mahiwagang nilalang
Aswang - pangkalahatang termino sa mga Nilalang ng lagim at dilim, Ang Aswang ay pinaniniwalaan na tao na kumakain ng kapwa tao, kung minsan ang mga ito ay pinapaniwalaan na may mga pakpak at sila raw ay gising kung gabi para maghanap ng mabibiktima or maaswang.
Engkanto -pangkalahatang tawag sa mga mga nilalang ng ibang dimensyon o daigdig. Ang mga wangis tao ay mapuputi, asul o luntiang mga mata, tenga na hugis dahon, ang iba ay napaka itim ng balat at anyong aninong itim at kung minsan ay hindi hamak na mas matangkad o mas maliit gaya ng sa ordinaryong tao.
Lamanlupa- pangkalahatang tawag sa mga nilalang o elementong nauugnay sa lupa taga ilalim ng lupa
Diwata - pangkalahatang tawag sa mga espirtu ng kalikasan, ang iba ay diyos at diyosa (mga bathala) . Magaganda at makapangyarihang tagapangalaga ng kalikasan, nagbibigay ng prokesyon at biyaya, kinakatawan ng mga lambana
Bantay Tubig - pangkalahatang tawag sa mga Mga nilalang at espiritu na nanahan sa katubigan at karagatan
Duwende -pangkalahatang tawag sa mga pinapaniwalaan maliit na tao na may mga mahiwagang kapangyarihan.
Anito - pangkalahatang termino sa mga Espiritu ng Yumao, Espiritu ng Ninuno, Espiritu ng Sinaunang Bayani at mga mandirigma at mga diyos-diyosan kinakatawan ng mga estatwang kahoy.
Maligno - pangkalahatang tawag sa mga masama.
Higante - Mga matatayog at matatangkad at malalaking nilalang.
Halimaw - Ang halimaw ay isang pangkalahatang termino sa mitolohiya, alamat, at kultura ng Pilipinas para sa mga nilalang na may kakaibang anyo, kapangyarihan, at karaniwang nagdudulot ng takot o panganib. Ang mga halimaw ay madalas na may kakayahang maghasik ng lagim at karahasan
Mga Impluwensya sa Mitolohiyang Pilipino
Animismo:
Pinaniniwalaan ng mga sinaunang Pilipino na ang kalikasan—mula sa ilog hanggang sa bato—ay may espiritu. Ang paniniwalang ito ang pundasyon ng maraming kwento sa mitolohiya.
Hindu-Buddhismo:
Bago pa dumating ang Islam at Kristiyanismo, ang pakikipagkalakalan sa India ay nagdala ng mga konsepto ng karma, reinkarnasyon, at mga diyos at dyosa na kahawig ng mga diyos ng Hindu.
Kolonyal na Impluwensya:
Sa pagdating ng mga Espanyol at Kristiyanismo, tinangka nilang supilin ang mga katutubong paniniwala. Gayunpaman, nanatili ang mitolohiya sa anyo ng mga kwento at mga ritwal na inangkop sa Katolikong tradisyon. Dala nila ang mga kabayo at ibang bagay at paniniwala at Christianismo naka dagdag sa mitolohiya ng mga Pilipino
Mitolohiyang Pilipino sa Kasalukuyan
Makabagong Pagkukwento:
Buhay pa rin ang mitolohiya sa pamamagitan ng oral na tradisyon, panitikan, at media. Halimbawa, ang graphic novel na Trese ay muling isinalaysay ang mga kwento para sa modernong mambabasa. Mga Story tellers at Narrators sa Youtube napapnaliti ang agos ng mga kwento gaya ng Ninuno, Pinuno, Miss Clar horror stories, Kwentong Takpisilim,Apong Isaac, Ka Banong, Voice addict at marami pang iba
Mga Pista at Ritwal:
Ang mga alamat ay ginugunita sa mga ritwal at pista, tulad ng Ati-Atihan sa Aklan o Obando Fertility Rites sa Bulacan. Ibalong festival ng mga Bikolano atibp.
Edukasyong Pang-Kultura:
Maraming programa ang nagtutulak na isama ang mitolohiyang Pilipino sa kurikulum upang mapanatili at mapalaganap ang yaman ng kulturang ito. Mga drama at pagsasadula sa mga iskwelahan.
P-POP Groups:
Mga P-POP na grupo na nag tatampok ng mga kwentong pasa pasa at mitolohiyang tema sa kanilang mga kwento at music video, gaya ng ALAMAT, SB19 at Felip
Mga Kilalang Tauhan at Nilalang sa Mitolohiyang Pilipino
Bathala:
Ang diyos ng paglikha sa mitolohiyang Tagalog. Siya ang kataas-taasang diyos na namamahala sa sansinukob.Diwata:
Mga makalangit na nilalang na konektado sa kalikasan. Sila ay tagapagbantay ng kagubatan, ilog, at bundok at maihahalintulad sa mga nilalang ng ibang bansa(fairy,nymph,dryad,gods) at ang iba ay mga diyos o diyosa o diwata sa ibang kultura.Aswang:
Isang nakakatakot na nilalang na kayang magpalit-anyo, madalas inilarawan bilang bruha o parang bampira na nagnanais manila ng tao, lalo na sa buntis, kumakain ng laman loob at umiinom ng dugo ng tao.Tikbalang:
Isang mapaglarong nilalang na kalahating tao, kalahating kabayo. Nililigaw nito ang mga manlalakbay, nandudukot ng babae , ngunit maaaring paamuin kung pakikitunguhan nang may respeto o di kaya maagaw ang gintong buhok nito.Bakunawa:
Isang maalamat na ahas-dagat, igat,o dragon na pinaniniwalaang sanhi ng duyof o eclipse dahil kinakain nito ang buwan. Maraming ibat ibang bersyon ng kwento ng Bakunawa ngunit lahat ay may pagkakahawig sa isat-isaMaria Makiling:
Isang kilalang diwata ng mga lambana sa kwentong bayan ng mga Tagalog. Siya ang tagapagbantay ng Bundok Makiling at nauugnay sa pag-ibig, kalikasan, at sakripisyo.
Mga Makiling at mga Lambana |
Anito sa Mitolohiyang Pilipino
Ang Anito sa Mitolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga Espiritu o kaluluwa Ng mga Ninuno o yumao at ang mga tao-taong kahoy. Ang Anito ay madalas na kinakatawan sa pamamagitan ng mga kahoy na ukit o hulmang tao na nagsisilbing pisikal na representasyon ng mga espiritu
Ang anito, na nagmula sa Proto-Malayo-Polynesian qanitu at Proto-Austronesian qaNiCu na nangangahulugang "espiritu ng yumao," ay tumutukoy sa mga espiritu ng ninuno at mga diyos.anito rin ang tawag sa mga tao-tao mga kahoy na rebulto at ukit, na ginagamit bilang daluyan upang makipag-ugnayan sa kanila.
Diwata sa Mitolohiyang Pilipino
Ang salitang "Diwata" sa mitolohiyang Pilipino ay isang gender-neutral na termino na sumasaklaw sa mga diyos, diyosa, espiritu ng kalikasan, nimpa, at mga lambana. Ang mga diwata karaniwang iniuugnay sa maliliit na pakpakang diwata na kilala bilang Lambana.
Ang salita ay nagmula sa Proto-Visayan na "diwata," na hango naman sa salitang Malay na "dewata" at sa Sanskrit na "देवता" (devatā), na nangangahulugang diyos, diyosa, o taga langit o makalangit na nilalang. Sa kuwentong-bayan ng Pilipinas, ang Diwata ay nagsisilbing isang malawak na kategorya para sa mga diyos, makalangit na nilalang, tagapangalaga ng kalikasan, at ada at lambana. Kadalasan silang inilalarawan bilang magaganda at makapangyarihang nilalang. Ang mga maliliit na lambana na may pakpak sa ilalim ng kategoryang ito ay kilala sa kanilang kagandahan at mahiwagang kakayahan.
Variants of Diwata in Philippine Mythology or the different kinds of diwata. Diwata in Philippine mythology is an umbrella or bracket term for fairy, muse,nature spirits, gods and goddesses
Mga uri ng diwata
Ang ibat ibang uri ng Diwata
Kaitastaasang Diwata - Supreme deity - Bathala, Diwata ng mga diwata, Anito ng mga anito (Bathalang Maykapal, Gugurang, Laon )
High Sky Gods - Diwata ng kaitaasan, matataas na diwata o mga bathala
Nature Spirits and Minor Gods - Diwata ng ibabawnun, mga bathala sa lupa, mga Mandarangan (war gods)
Dryads, High fairies and Nymphs - Diwata ng kalikasan, mga ada, mga lambino
Philippine Fairies, pixies,sprites - Diwata at lambana (winged-fairies)
Lambana sa Mitolohiyang Pilipino
Sa mitolohiyang Pilipino, ang Lambana ay maliliit na nilalang na katulad ng mga diwata, na kadalasang inilalarawan bilang may taas na ilang pulgada lamang o isang talampakan, at may mga pakpak na mala-translusent na katulad ng mga pakpak ng paru-paro, tutubi o alitaptap. Ang kanilang mga pakpak ay kumikislap na may mahiwagang kislap. ang "Lambana" ay maaaring tumukoy sa isang simbolikong representasyon (isang guhit o ukit ng isang anyo ng tao na may pakpak ng alitaptap o pakpak ng ibon) at ang aktwal na mga nilalang na may pakpak na lumilipad, na nagsisilbi sa ilalim ng proteksyon ng mga mataas na diyos o mga mataas na Diwata
Lambana ay karaniwang itinuturing na mabubuti at mapagbigay na mga espiritu na nagsisilbi sa mga mas mataas na Diwata (mga diyos at diyosa), lalo na ang mga diyos ng kalikasan. Ang papel ng Lambana ay madalas na upang tulungan ang mga makapangyarihang diyos na ito sa pag-iingat ng kagandahan at balanse ng kalikasan. Tinutulungan nila ang mga kagubatan, ilog, bundok, at iba pang likas na tanawin, tinitiyak na ang maselang balanse ng mundo ay mapanatili.
Lambana at Diwata
Ang mga Lambana ay madalas na itinuturing na mga kasama ng Diwata (mga espiritu ng kalikasan ang iba ay diyos at dyosa), kung saan sila ay may simbiotikong ugnayan. Sa mga kwento, ang mga Lambana ay nagsisilbing mga mensahero o tagasunod ng Diwata, na nagsasagawa ng mga gawain para sa mga makapangyarihang espiritu. Kapalit nito, sila ay binibigyan ng proteksyon at pinapayagang manirahan sa mga lugar na mahal nila, tulad ng mga sagradong kagubatan o mga liblib na lugar kung saan hindi abala ang kalikasan.
Ang ilang mga kwento ay naglalarawan ng isang malalim na emosyonal na koneksyon sa pagitan ng Lambana at Diwata, kung saan maaaring magbago ang mga Lambana at magmukhang nakakatakot at mabagsik na mga nilalang kung ang Diwata ay nakakaranas ng sama ng loob o kalungkutan, tulad ng pagkabigo mula sa isang mortal. Sa mga pagkakataong ito, ang mga Lambana ay nagiging malupit at nakakatakot, na may mga matutulis na pangil at pangil na kahawig ng mga pating.
Mga Bathala
diwata ng kaitaasan sa mitolohiyang Filipino
Mga Diwata ng kaitaasan o mga Bathala
Mga bathala o diwata ng kaitaasan ng mga Bisaya
Kaptan
Si Kaptan ang kataas taasang diwata sa mitolohiyang Bisaya, malupit na diyos ng kalangitan, tagutom at parusa ng langit.
Magwayan
Magwayen (Male Aspect ) |
Magwayen (female Aspect) |
Likabutan
Liadlaw
Liadlaw ang diwata ng araw, diyos na kumakatawan sa araw sa Mitolohiya ng mga Bisaya.
Liadlaw sun god |
Libulan
Libulan ang diwata ng buwan, diyos na kumakatawan sa buwan sa mitolohiyang Bisaya
Libulan god of the Moon |
Lisuga diwata ng mga butuin, dyosa ng mga tala sa mitolohiyang Bisaya
Lisuga goddess of the stars |
Malandok
Ribung Habughabugan
Ribung Linti
Ribung linti god of lightning and thunder |
Sidapa
Si Sidapa sa Mitolohiyang Bisaya ang Diwata ng kamatayan, diyos ng kamatayan na sumusukat ng buhay ng mga tao. Patron ng Bundok Madjaas.
Sidapa god of death |
Nagined
Nagined o Inagined ang diwata ng digmaan at lason sa mitolohiyang Bisaya
Nagined goddess of war and poisons |
Barangaw
Lalahon
Si Lalahon ang diwata ng apoy, at bulkan at masaganang ani, Patron ng Bulkang Kanlaon
Lalahon - goddess of fire and volcanoes |
Dalikmata
Pandaki
Bulan
Sumpoy
Burigadang Pada Sinaklang Bulawan
Lubay Hanginon
Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata
Saragnayan
Laun Sina
Launsina goddess |
Mga Batahala at diwata ng kaitaasan ng mitolohiyang Bikolano
Gugurang
Si Gugurang sa mitolohiyang Bikolano ang kaitastaasang diwata, ang diwata ng mga diwata. Ang patron ng Bulkang Mayon.
Gugurang Supreme god of Bicol mythology |
Langiton
Tubigan
Asuan
Asuan o Asuang ang diwata ng kasamaan, diyos ng mga halimaw at ang patron ng Bundok Malinao
Asuang deity |
Si Adlaw diyos ng init at araw at masaganang ani sa mitolohiyang Bikolano
Adlaw sun god |
Bulan
Si Bulan sa mitolohiyang Bikolano ang diwata ng buwan, diyos na kumatawan sa buwan. Liwanag sa gabi at pangingisda
Bulan god of the Moon |
Daga
Bituoon
Si Bituoon ang diwata ng mga tala
Haliya ang diwata ng liwanag ng buwan, personipikasyon ng rituwal na Halea, tagapagtagol ni Bulan, at ang kalaban ng Bakunawa sa mitolohiyang Bikolano
Haliya goddess of Moonlight |
Dagat
Okot
Si Okot diwata ng pangangaso at ng kagubatan sa mitolohiya ng mga Bikolano
Magindang
Magindang diwata ng karagatan, pangingisda at patron ng mga mangingisda
Oryol
Si Oryol isang anak bathala (anak ng diyos na si Asuang) kilala sa kanyang kagandahan, tali at kabagsikan. At ang kanyang magandang tinig na kayang mapasunod ang mga tao at maging hayop at halimaw.
Kalapitan
Kalapitnan ang diwata ng mga paniki, diyos ng mga paniki sa mitolohiya ng mga Bikolano
Kalapitnan god of bats |
Linti
Onos
Kanlaon
Si Kanlaon sa mitolohiyang Bikolano ang diwata ng apoy, pagkawasak at kaguluhan. diyos ng Bulkan ng kabilang ibayo, ang demonyo ng bulkang Kanlaon
Kanlaon god of fire and destruction |
Dalogdog
Linti
Mga bathala o diwata ng kaitaasan ng mga Aeta
Apo Namalyari
Apo Namalyari ang kataas taasang diwata ng buwan at gabi ang patron ng Bulkang pinatubo sa mitolohiya at paniniwala ng mga Aeta
Algao
Kedes
Kedes ang diwata o bathala ng pangangaso ng mga Aeta
Pawi
Si Pawi ang bathala ng kagubatan at mga punot halaman
Mga bathala o diwata ng kaitaasan ng mga Kapampangan
Mangatia
Apung Sinukuan
Buan
Moon goddess Buan,who lives on the Moon and wife of Mangatia |
Makiling
Mahinhin
Apolaqui
Mayari
Apung Malyari
Mga bathala o diwata ng kaitaasan ng mga Pangasinense
Ama-Gaolay
Agueo
Si Agueo ang diyos ng Araw at init
Bulan
Bulan ang diyos ng Buwan at ng gabi
Apolaqui
Si Apolaki o Apolaqui ang diyos ng araw at digmaan at pakikipaglaban
Saguday
Saguday diyos ng hangin, diwata ng ulap
Si Saguday ang mababang anito o diyos ng malamyos at malamyang hangin. Tinatawag kapag mainit ang panahon upang hipan niya ang paligid.
Sip-nget
Sip-nget ang diwata ng anino ,Sipnget ay ang mababang diyos o anito ng karimlan at mga anino
Balinsangay
Balinsangay ang diyos ng ilog at malinis na tubig
Mga Diwata ng Kabundukan
Maria Makiling
Si Maria Makiling ang diwata ng mga lambana, ang patron at bantay ng bundok makiling.
Maria Sinukuan
Ang diwata ng mga Rizalista, ang diwata ng bundok Arayat
Maria Cacao
Si Maria Cacao ang diwata ng Lantoy
Mga Diablo at Demonyo
Laon
Si Laon sa kwentong Bayan ay ang demonyong nakaselyo sa Bulkang Kanlaon, na naghahangad na sambahin. Naghahatid ng apoy at pagkawasak.
Nagined
Arapayan
Magkaburak
Laman Lupa (Elemental o Elemento ng Lupa)
Ang salitang Laman Lupa ay tumutukoy sa mga nilalang na naninirahan o may kaugnayan sa lupa. Ang mga nilalang na ito ay kadalasang nauugnay sa mga pisikal na aspeto ng kalikasan tulad ng bundok, yungib, kagubatan, at ang ilalim ng lupa. Tinatawag silang mga elemental ng lupa o espiritu na nagmamanipula o nagpoprotekta sa mga partikular na bahagi ng kalikasan.
Nuno sa Punso – Maliit at matandang espiritu na nakatira sa mga punso o burol ng lupa. Sila ay iginagalang at kinatatakutan dahil ang pagambala sa kanilang tirahan ay maaaring magdala ng sakit o kamalasan. Madalas sinasabi ng mga tao ang "Tabi-tabi po" upang hindi sila masaktan.
Duwende – Mga maliliit na nilalang na naninirahan sa iba’t ibang lugar tulad ng mga puno, punso, o ilalim ng bato. Maaari silang maging mabait o mapaglaro depende sa pakikitungo ng tao sa kanila. Mayroong Duwendeng Puti (mabait) at Duwendeng Itim (mischievous o malisyoso).
Sa mitolohiyang Pilipino, at mga pamahiin ang Nuno, duwende ay uri ng lamanlupa o mga mahiwagang espiritu at elemento ng lupa na naninirahan sa ilalim ng lupa o di kaya ay mga nakatagong lugar gaya ng punso, kagubatan, at iba pang tagong sulok sa mga tahanan ng tao. Ang mga nilalang na ito ay may iba’t ibang uri, bawat isa ay may natatanging kulay na sumasalamin sa kanilang mga katangian, kapangyarihan, at relasyon sa mga tao. Mahalaga ang respeto at paggalang sa pakikitungo sa kanila, dahil maaari silang magdala ng suwerte o kapahamakan, depende sa pakikitungo sa kanila.
Itim na nuno - Duwedeng nagbibigay katatagan kontra malas, kontra kaaway, proteksyon laban sa mga masama
Pulang Nuno - Duwendeng nagbibigay ng Swerte at Panabla ng sumpa, pangnununo o pag sumpa sa kaaway.
Mangalo - Duwendeng Aswang, Mabangis pero nagbibigay ng ginto at yaman kapalit ng dugo ng manok
Puting Nuno - Duwendeng nagbibigay ng Mahabang buhay, Mabuting kalusugan, Gabay ng mga Mangagamot
Luntiang Lamanlupa - Duwendeng nagbibigay ng Swerte sa laro at sugal
Gintong Nuno - Duwendeng nagbibigay ng Kasikatan, Yaman at Swerte sa Negosyo.
Dwendeng Itim (Black Dwarf)
- Itsura: Ang Dwendeng Itim, Laman lupang itim o Nunong Itim ay karaniwang inilalarawan bilang minsan madumi, may maitim na aura, at nakasuot ng itim na sombrero o salakot.
- Pagkatao: Kilala bilang pinakamasama at mapaglarong uri ng duwende, ang Dwendeng Itim ay may masamang ugali at hilig mangloko ng mga tao. Sa ibang kwento, nagdadala rin sila ng suwerte sa mga taong kanilang kinagigiliwan, ngunit sila rin ay mahilig magdulot ng kalokohan sa mga di magalang sa kanila.
- Pag-uugali at Kapangyarihan: Hindi palagiang mapagkakatiwalaan ang Dwendeng Itim dahil sa kanilang pabagu-bagong ugali. Ang makita o masalubong sila ay maaaring magdala ng suwerte sa kayamanan, ngunit hindi dapat gambalain. Maaari silang magtago o kumuha ng maliliit na bagay, magdulot ng ingay, at lituhin ang mga naglalakbay upang makuha ang atensyon o maghiganti sa mga di magalang. itim na duwende ay tinuturing bilang isang malakas sa proteksyon. Maraming naniniwala na ang itim ay sumisipsip ng negatibong enerhiya at nagsisilbing kalasag laban sa kapahamakan. Ipinapakita ng Dwendeng Itim ang aspetong protektibo ng itim, sapagkat kaya rin nitong maging isang tagapagtanggol sa mga taong paborito niya. itim na duwende pantaboy ng mga masasamang elemento gaya ng aswang, maski ng mga chismosang kapitbahay.
Dwendeng Pula (Red Dwarf)
- Itsura: Ang Dwendeng Pula (pulang Laman lupa, Nunong Pula) ay may suot na pulang sombrero o salakot, na sumasagisag sa kanilang matapang at mapangahas na kalikasan.
- Pagkatao: Itinuturing ang Dwendeng Pula bilang ang pinakamatapang sa mga duwende. Sila ay may matapang na ugali at madalas iniiwasan ng tao dahil sa kanilang masungit at nakakatakot na itsura pagka nagalit. Ang makita sila ay kadalasang itinuturing na masamang pangitain.
- Pag-uugali at Kapangyarihan: Kilala ang mga Dwendeng Pula sa kanilang pagiging matapang,bugnitin at mahirap pagkatiwalaan sa una. Kung mapunta sa kanilang pangangalaga ang isang tao, sila’y nagiging masugid na tagapagtanggol, na nagbabalik ng mga sumpa o masasamang hangarin sa pinagmulan nito. Mayroon silang inis o galit sa mga lambana, mga maliliit na diwata na tumutulong sa tao, dahil mas malapit ang mga ito sa mga tao kaysa sa Dwendeng Pula.
Duendeng Mangalo (Duwendeng Aswang)
- Itsura: Kilala rin bilang Duendeng Kayumanggi, o Duwendeng Aswang. Ang Duendeng Mangalo ay may kayumangging aura at sombrero gaya ng kulay ng kalawang o tuyong Dugo, na sumisimbolo sa kanyang kaugnayan sa lupa at mga hayop.
- Pagkatao: Ang Blood Dwarf sa ingles, o Mangalo, ay kilala bilang tahimik at nakakatakot lamanlupa, at kinatatakutan ng ibang mga duwende dahil mabangis at sa kanyang kagustuhang uminom ng dugo ng hayop. Dahil dito, minsan ay itinuturing din siyang Aswang.
- Pag-uugali at Kapangyarihan: Kilala ang Duendeng Mangalo sa pagbibigay ng yaman at suwerte sa mga taong kanyang pinipili. Sila ay tahimik at madalas umiiwas sa mga tao. Dahil sa kanilang kakaibang na kaugalian, hindi madaling lapitan ang mga ito, ngunit maaaring magbigay sila ng mga gintong regalo o kayamanan sa mga taong may respeto sa kanila at kapalit ng dugo ng manok o di kaya dugo ng tao (sa ibang kwento laman loob)
- Sa ibang kwento kapag nagambala ng Mangalo dapat tawagin ang diwatang Burigadang Pada upang matakot ang mga Mangalo.
Dwendeng Puti (White Dwarf)
- Itsura: Ang Dwendeng Puti o Puting Laman lupa, Puting nuno ay may suot na puting sombrero o salakot at may maliwanag at mapayapang aura.
- Pagkatao: Ang mga Dwendeng Puti ay tahimik at banayad sa pakikitungo sa tao. Mahilig silang maglaro, lalo na sa mga bata, ngunit mas maingat sa pakikipag-ugnayan sa matatanda. Kilala sila sa kanilang kaalaman sa pagpapagaling at proteksyon laban sa masasamang espiritu at sumpa.
- Pag-uugali at Kapangyarihan: Kadalasang Gabay ng mga mangagamot at albularyo, Ang mga Dwendeng Puti ay eksperto sa pagpapagaling, lalo na sa mga nabiktima ng barang o masamang sumpa. Sila’y nagbibigay ng proteksyon laban sa masasamang espiritu at may kakayahang magdulot ng mabuting kalusugan at mahabang buhay. Mahalaga ang pag-iingat sa kanila, dahil maaari silang maglaro ng kakaibang mga biro sa mga hindi magalang.
Dwendeng Berde (Green Dwarf)
- Itsura: Ang Dwendeng Berde o Luntiang Laman Lupa ay may berdeng sombrero o salakot at berdeng aura, na sumisimbolo sa kalikasan at suwerte lalo na sa sugal at laro.
- Pagkatao: Kilala ang Dwendeng Berde bilang mapaglaro, lalo na sa mga bata. Sila’y mahilig magdala ng suwerte, partikular na sa larangan ng sugal, ngunit mabilis din silang maglaho kapag di maganda ang pakikitungo sa kanila.
- Pag-uugali at Kapangyarihan: Ang Dwendeng Berde ay pinaniniwalaang may kakayahang magdala ng suwerte, lalo na sa mga sugarol. Maaaring lumitaw sila sa mga taong gusto nila, na maaaring magdulot ng panalo o pera. Mahirap silang tawagin, at madalas hindi sila sumasagot sa mga matatanda kaya’t ang mga bata ang madalas nilang kausap. Ngunit ang suwerteng hatid nila ay maaaring mawala kung hindi sila nirerespeto.
Dwendeng Ginto (Gold Dwarf)
- Itsura: Ang Dwendeng Ginto ay nakasuot ng gintong sombrero o salakot, at minsan ay may mga gintong palamuti, at mayroong gintong-kayumangging kutis.
- Pagkatao: Ang mga Dwendeng Ginto ay bihira at itinuturing na pinakabukas-palad sa lahat ng duwende. Sila ay kilala sa kanilang kabaitan at kakayahang magbigay ng kayamanan at tagumpay nang walang hinihinging kapalit.
- Pag-uugali at Kapangyarihan: Kilala ang Dwendeng Ginto sa pagbibigay ng mga bihirang regalo, mula sa kayamanan hanggang sa mga kakaibang kakayahan tulad ng hypnotismo, tagumpay, at kasikatan. Sila ang pinaka-hinahangad sa mga duwende, at ang pagkatagpo sa kanila ay itinuturing na isang malaking suwerte, dahil maaari silang magdala ng kasaganaan at tagumpay sa buong buhay ng taong makakasalubong nila. Kasikatan, swerte sa negosyo.
Kalanget - Uri ng laman lupa na maliit, kauri ng duwende, mga lamanlupang panginoong maylupa.
Kibaan - Dwendeng bahay, pilyo nangunguha ng mga gamit. kaya madalas hindi mo mahanap ang isang bagay sa loob ng bahay, saka ibabalik kapag di mo na hinahanap
Tiyanak – Isang masamang nilalang na nag-aanyong sanggol. Ito ay umiiyak upang maakit ang mga tao sa kagubatan, at kapag lumapit ang tao, ipinapakita nito ang tunay na anyo at inaatake ang biktima. Pinaniniwalaang ang Tiyanak ay espiritu ng mga inabandonang o ipinagbuntis na sanggol.
Tikbalang – Isang nilalang na kalahating kabayo at kalahating tao, may katawan ng tao pero ulo at mga paa ng kabayo. Kilala silang nanloloko sa mga naglalakbay sa kagubatan, nililigaw ang landas ng mga tao sa pamamagitan ng ilusyon. Nangunguha ng babaeng kanilang natitipuhan upang gahasain o di kaya ay buntisin
Bantay Tubig in Philippine mythology
Mga Uri ng Bantay Tubig at Tagadagat
Variants of Bantay Tubig in Philippine mythology
Bantay Tubig (Elemental ng Tubig)
Ang Bantay Tubig at Tagadagat ay tumutukoy sa mga espiritu o nilalang na naninirahan at nagbabantay sa mga katawan ng tubig tulad ng mga ilog, lawa, dagat, at karagatang. Sila ang mga tagapangalaga ng ekosistema ng tubig, at maaari ring magdulot ng kapahamakan o malas kapag hindi sila iginagalang.
Sirena – Babaeng Sirena
Ang Sirena ay isang nilalang na kalahating isda at kalahating tao, karaniwang inilalarawan bilang isang maganda at kaakit-akit na babae na may buntot ng isda. Kilala siya sa kanyang nakakaakit na kagandahan at mapang-akit na tinig na nagdadala ng panganib sa mga mandaragat at mangingisda.Ang mga Sirena ay kilala sa pag-akit sa mga tao patungo sa kapahamakan. Ang kanilang mga awit ay nagpapabighani sa mga nakikinig, kadalasan ay nagiging sanhi ng pagkakabasag ng barko o paglubog sa dagat.
Kumakatawan ang Sirena sa alindog at panganib ng dagat, na nagpapakita ng misteryo at tukso ng kalikasan
Siyokoy – Lalaking Nilalang mula sa Dagat
Ang Siyokoy ay isang nilalang mula sa dagat na mas matapang at may kakaibang anyo kaysa sa ibang mga bantay tubig. Karaniwang may dalawang binti, kaliskis, palikpik, at minsan, matutulis na ngipin, kaya’t nakakagimbal ang hitsura nito. : Ang mga Siyokoy ay kilala sa pagiging mapanlinlang at agresibo. Karaniwan silang ipinapakita bilang mga mandaraya, na nag-aakit ng mga biktima patungo sa panganib, lalo na kapag malapit sa tubig.
Sila ay sumisimbolo sa hindi tiyak at mapanganib na kalikasan ng dagat, at naglalarawan ng takot sa hindi kilalang bahagi ng kalikasan.
Sireno – Lalaking Sirena
Ang Sireno ay ang lalaking katumbas ng Sirena, may katulad na mga katangian tulad ng nakakaakit na tinig at kagandahan. Kadalasan siya ay inilalarawan bilang guwapo at kaakit-akit. Katulad ng Sirena, ang Sireno ay may kakayahang mag-akit at magdala ng panganib. Ang kanyang kaakit-akit na katangian ay kumakatawan sa kagandahan ng kalikasan na may kasamang panganib.
Kumakatawan ang Sireno sa pananaw ng kalalakihan sa mga mitolohiya ng sirena, na tumatalakay sa mga tema ng pagnanasa, tukso, at mga panganib na matatagpuan sa kailaliman ng dagat.
Magindara – Aswang Dagat
Ang Magindara ay isang uri sirena o aswang dagat, kilala sa pagiging agresibo at mapanganib. Hindi sila kasing kaakit-akit ng mga Sirena, kundi mas kilala sa kanilang kagandahan, kabangisan at kalupitan. Hindi tulad ng Sirena, ang mga Magindara ay kilala sa pag-akit sa mga mandaragat patungo sa kanilang kapahamakan. Sila ay ipinapakita bilang malupit at hindi mahuhulaan ang mga galaw.
Ang Magindara ay nagsisilbing paalala ng madilim na bahagi ng dagat, kung saan ang panganib at kamatayan ay matatagpuan sa ilalim ng alon. Sila ay sumisimbolo sa mga puwersa ng kalikasan na nagdudulot ng pagkawasak.
Kataw – Marangal na Nilalang mula sa Ilalim ng Tubig
Ang Kataw ay isang marangal at makapangyarihang nilalang mula sa ilalim ng tubig. Kadalasan silang inilalarawan bilang mga makapangyarihang nilalang na may kakayahang kontrolin ang tubig. Sila ay may marangyang hitsura at minsan ay may mga katangiang itinuturing na naghaharing uri sa mga bantay dagat Ang mga Kataw ay kadalasang itinuturing na mga pinuno ng mundo sa ilalim ng dagat, mga tagapagbantay ng mga katawan ng tubig, at may mga kahusayan at mahika na may kaugnayan sa tubig.
Kumakatawan sila sa mataas na paggalang sa tubig bilang isang pinagkukunan ng buhay at kapangyarihan, at bilang mga tagapagbantay ng buhay sa ilalim ng dagat at sa ibabaw nito.
Berberoka – Bakulaw na Nilalang ng Tubig
Ang Berberoka ay isang higanteng nilalang na matatagpuan sa mga ilog at lawa. Kilala ito sa pagkakaroon ng nakakatakot na itsura at kakayahang maghila ng mga biktima patungo sa ilalim ng tubig Ang Berberoka ay isang nilalang na kilala sa paghila ng mga tao patungo sa ilalim ng tubig, isang paalala ng mga panganib ng malalalim na tubig at kung gaano ka-tago at mapanganib ang kalikasan ng tubig.
Sila ay nagsisilbing babala upang mag-ingat sa mga anyong-tubig, lalo na sa mga malalim na bahagi kung saan may mga nakatagong panganib.
Lakandanum – Espiritu ng Tubig na may Anyong Ahas o Isda
Ang Lakandanum ay isang espiritu ng tubig na may anyo ng isang ahas o isda. Sila ay mga tagapagbantay ng mga ilog at lawa. Ang mga Lakandanum ay may kakayahang kontrolin ang tubig at ang ulan. Karaniwan silang itinuring na mga tagapagbantay na may kapangyarihang magbigay ng ulan at bagyong may kasamang tubig.
Kumakatawan ang mga Lakandanum sa likas na puwersa ng tubig at ang koneksyon nito sa espiritwalidad at kalikasan, pati na rin ang mahalagang papel ng tubig sa siklo ng buhay.
Naga – Igat o ahas dagat na Sirena
Ang Naga o Irago ay mga nilalang na parang igat o eel, na may kaugnayan sa ulan at kasaganaan. Kadalasan, may mahahabang katawan at iniuugnay sa mga kwento ng tubig na may kaugnayan sa kasaganaan at kalikasan.Ang Naga ay kilala sa kanilang kakayahang magdala ng ulan, isang mahalagang bahagi ng agrikultura at ekosistema. Sila ay simbolo ng buhay, kasaganaan, at kahalagahan ng tubig sa kalikasan.
Sila ay isang paalala ng kahalagahan ng tubig sa pagsasaka at buhay, at naglalarawan ng ugnayan ng kalikasan at tao sa mga siklo ng tubig at ulan.
Atawid – Masamang Espiritu ng Tubig
Ang Atawid ay isang masamang espiritu ng tubig, kadalasang inilalarawan bilang isang malupit na nilalang na kumukuha ng mga bata. Kilala ito sa nakakatakot nitong mga sigaw.Ang Atawid ay kilala sa pagdukot sa mga bata, at ang mga kuwento tungkol sa kanya ay naglalaman ng babala na mag-ingat sa mga ilog at lawa, lalo na sa mga hindi ligtas na bahagi.
Ang mga kuwento ng Atawid ay nagsisilbing paalala sa mga bata na mag-ingat at magbigay galang sa mga katubigan upang maiwasan ang kapahamakan.
Darantan – Masamang Espiritu ng Tubig
Ang Darantan ay isa pang masamang espiritu ng tubig, na karaniwang nauugnay sa mga ilog at ibang katawan ng tubig. Kilala ito sa pagbibigay ng malas at panganib sa mga dumadaan sa kanyang teritoryo.Katulad ng Atawid, ang Darantan ay isang espiritu na nagpapalala ng malas at nagdudulot ng kapahamakan sa mga hindi mag-ingat o angkop sa kanilang galak sa tubig. Ang Darantan ay nagpapakita ng paniniwala sa mga hindi nakikitang puwersa ng kalikasan na maaaring magdulot ng masamang kapalaran, sakit, o malas sa mga hindi nag-iingat sa mga katawan ng tubig.
Mga Engkantong wangis tao ( Mga elemento )
Ang Engkanto ay isang pangkalahatang termino na tumutukoy sa mga nilalang na may malapit na kaugnayan sa kalikasan at may kakayahang magbago ng anyo at magpakita bilang mga tao. Ang mga espiritu o nilalang na ito ay kadalasang nauugnay sa mga partikular na kalikasan tulad ng mga kagubatan, bundok, at iba pang mga kapaligiran, at maaari silang makipag-ugnayan sa mga tao, maaring mabuti o masama.
Mahomanay - Nangagalaga sa kalikasan. Ang mga Mahomanay ay Lalaking engkanto na maganda Ang itsura at wangis, magandang lalaki na may napakaputing balat at mahabang itim na itim na buhok. May matulis at hugis dahon na tenga. Amoy matamis na bulaklak Ang mga Mahomanay. Nangunguha ng mga babae na kanilangnapupusuan dadalhin sa kanilang daigdig. Inaalok nila ito ng kaning itim. Mag aanyong panget na lalake ang Mahomanay upang subukin ang kabaitan ng babaeng kanyang napupusuan. Kapag mabait ang babae kahit anyong pangit ang Mahomanay ay ginagantimpalaan niya ang babae ng biyaya at yaman. Kapag pangit Ang ipinakitang ugali ng babae sa pangit na anyo ng Mahomanay ay paparusahan ito ng engkanto. Magkakasakit ang babae at lalagnatin. At mamalasin sa buhay di lang sya pati buong pamilya nya ay mamalasin.
Tahamaling - Ang Tamalanhig o Tahamaling ay mga Babaeng engkanto na katambal ng Mahomanay. Magagandang babae na may mapulang balat at mahabang itim na buhok. Matulis na hugis dahon ang tenga. Nangunguha ng mga binatang kanilang napupusuan. Inaakit ng Tamalanhig ang mga binatang mortal sa pamamagitan ng kanyang ganda at alindog, nag lalabas ng napakatamis ma amoy na nakaka humaling. Nalalasing sa bango at tamis Ang mga binatang nakaka langhap ng halimuyak ng engkantong Tamalanhig. Ang mabangong amoy ng babaeng Tamalanhig ay ayaw ng mga engkantong Mahomanay, para sa mga Lalaking Mahomanay ito ay matapang na kamandag.
Tamawo - Uri ng sinaunang engkanto na tila anak araw. Maputi ang balat at kulay ginto o puti ang buhok. Anyong magagandang lalaking anak-araw, napakaputi at payat ang pangangatawan at ang tenga ay hugis dahon. Sinasalarawan bilang mga magagandang lalaki napakaputi, naka bahag at balot ng gintong alahas. Pinaniniwalaang nandudukot sila ng mga babae at dalaga upang magparami ng kanilang lahi dahil walang babaeng Tamawo ang kanilang lipi. Kailangan ng mga tamawo manguha ng mortal na babae upang sila ay makapagparami. Pinaniniwalaang sa mga batis o talon ang pintuan pantungo sa kanilang dimensyon. Ibig sabihin ng "Tamawo" sa wikang Hiligaynon ay "Mula sa ibang Mundo" o "Mula sa ibang Daig-dig".
Banwaanon - Ang mga kinakatakutang Engkanto sa Kabisayaan. Matatangakad at maputi na kulay marmol ang balat at ang buhok ay kulay puting-puti o pilak. Pinaniniwalaang magkakamukha o masyadong magkakahawig ang lahat ng mga lalaking Banwaanon. Ang mga Engkantadong Banaanonay Kinakatakutan dahil nagdudulot ng sumpa at sakit sa mga taong hindi nila nagugustuhan ang itsura, at nangdudukot ng mga bata at babaeng magaganda. Sa mga makabagong kwentong bayan ang mga Banwaanon ang pinaniniwalaang masasamang engkanto na nag haharing uri sa siyudad ng Biringan.
Itim na Engkanto - Mga engkanto na nagpapakita bilang mga anino o mga itim na nilalang. Mga maligno na mapanakit at mapaminsala. Sila ay tinatawag na Engkanto Negro o mga itim na elemento. Nagpapkita sa mga tao at nanahan Ang mga engkantong itim sa malalaking bahay. Mapanakit at nakakatakot. Ang mga itim na Espiritu ay minsan sumasapi sa mga taong kanilang napupusuan. Ang mga tunay nilang katawan ay nasa Mundo ng mga engkanto tanging mga anino lamang nila ang nanahan sa mundo ng mga tao.
Anggitay - Ang mga Anggitay ay magagandang babaeng engkantada na ang pang itaas na bahagi ng katawan ay magaganda at mapuputing dilag. Maganda, maputi at kulay puti o pilak ang buhok, habang ang pang ibabang bahagi ng katawan ay tila sa putting kabayo o di kaya ay sa puting usa. Nakatayo sa apat na paa ng kabayo ang iba ay usa. Pinaniniwalaang lahat ng anggitay ay babae, kung kayat nagpapalahi lamang sila sa mga Tikbalang Kahit kinasusuklaman nila ang mga ito. Kailangan lamang ng mga anggitay ang punla ng mga tikbalabg. Ayon sa mga kwentong bayan mababait nguint napaka ilap ng mga anggitay. Sila ay naakit at nahahalina sa mga makikinam o makikintab na mga bagay.
Dalaketnon - Masamang uri ng engkanto, ang mga Lalaking Dalaketnon ay magagandang lalaki na may mapuputing balat at mahabang itim na buhok. Inaakit nila sa kanilang Mundo Ang mga tao upang maging asawa o di kaya ay alipin. Hinhandaan ng Dalaketnon ang biktima ng itim na kanin, kapag itoy kinain ng tao hindi na siya makakaalis sa mundo ng engkanto. Pinaniniwalaang puno ng Balete ng pinto sa patungo sa kanilang daigdig o dimensyon. Ang ibig sabihin ng Dalaketnon ay "Nagmula sa Dalakit" o puno ng Dalakit, na puno ng Balete sa Tagalog.
Babaeng Dalaketnon - Ang mga babaeng Dalaketnon ay mga magagandang engkanto na may ginintuang kayumanging balat. Inaakit nila ang mga lalaki ay binata gamit ang kanilang ganda, aalukin ang binata ng itim na kanin kapag kinain ito ng tao hindi na siya makakaalis sa dimensyon ng engkanto.
Kahoynon - Mga sinaunang engkanto ng mga puno at halaman, ang iba ay anyong magagandang babae ang iba ay anyong taong puno, o taong tuod.
Abyan - Abyan o Puting Engkanto Mga Engkanto na tila anak araw na napaka puti Ang mga buhok ay puti o ginintuan. Bulaw o Bulawan ang ibang tawag sa Abyan dahil sa kulay ng buhok. Tila mga bata o Hindi tumatanda, Ang matandang Abyan ay tila binatilyo o dalagita parin. Gumagabay sa mga mabubuting tao ang Abyan. Ang lalaking Abyan pag umibig sa mortal ay dadalawin at liligawan nya ito sa panaginip. At sa panaginip maaring mabuntis ang babae, na parating kambal ang anak o ipagbubuntis. Ang Isang anak ay ipapanganak ng tila anak araw o napaka puti sa Mundo ng mga tao habang ang kambal nito ay kasabay na ipapanganak sa mundo ng mga engkanto.
Tawong Lipod - mga di nakikitang espiritu at masasamang maligno na kung nagpapakita ay mga itim na anino o taong itim. Mga dating mababait at magagandang diwata ng hangin, bago sila naging itim na maligno ng kasamaan. Ang mga Tawong Lipod ay magaganda at mapuputing diwata ng hangin at ulap na bumaba sa lupa. Ang mga hindi nakakabalik agad sa langit ay nagiging itim na Engkanto at nagiging masamang maligno nagdudulot ng sakit at karamdaman.
Lambana - Mga nilalang na nangangalaga ng kalikasan. Mga maliliit na uri ng lumilipad na nilalang na may pakpak ng tutubi o paru-paro. Maykapangyarihan silang magpalit anyo na sing laki at wangis tao. Kapag anyong tao pansamantalang nawawala ang kanilang mga pakpak. Dahil sa taglay nilang ganda mapa babae man o lalaking lambana Kadalasang napagkakamalang Diwata ang mga Lambana. Ayon sa mga kwentong bayan ang mga Lambana ay abay o tagapanglingkod ng mataas na uri ng Diwata. Ang konsepto ng lambana ay may pagkakatulad sa diwata, bagamat ang lambana ay karaniwang itinuturing na mas maliit at may pakpak, habang ang diwata naman ay kadalasang inilalarawan bilang mas makapangyarihang mga nilalang. Pareho silang tagapangalaga ng kalikasan, at ang kanilang mga kwento ay nagpapakita ng pagpapahalaga at respeto ng sinaunang kulturang Pilipino sa kalikasan.
Mga Aswang
Different Variants of Aswang in Philippine Mythology
( Oral and Written mythology)
Anito ng Mga Aswang
Aswang Gabunan
Puting Gabunan |
Aswang Bangkilan
Lalaking Bangkilan ( Rare ) |
Aswang Hanagob
Aswang Agaras
Aswang Kurkor
Aswang Harimodon
Aswang Hamung
Aswang Hamung o Aswang Kalumpang
Aswang Daghamung
Magindara
Aswang Mandurugo
Aswang Mandaragit
Aswang Mananagal
Aswang Alan
Aswang Tiktik
Wakwak
Ekek
Uwak uwak
Iki
Aswang Mangalo
Aswang Mangalok
Aswang Diklum
BalBal
Maranhig
Baad
Atikulan
Bulaw-Bulaw
Awok
Asbo
Iwig
Abwak
Kubot
Tigbanua
Mandarangkal
Awak
Awuk
Paraduno
Mangkukulam
Mambabarang
Karaniwang Aswang
Mga Halimaw at mahiwagang nilalang
Agta
Santelmo
Batibat
Berbalang
Bungisngis
Bulul
Busaw
Kapre
Sarangay
Gawigawen
Sarimaw
Taragbusao
Buwaya
Pah
Kahalagahan ng Mitolohiyang Pilipino
Ang mitolohiyang Pilipino ay salamin ng mga paniniwala, takot, at mithiin ng mga sinaunang Pilipino. Isa itong buhay na tradisyon na patuloy na nabubuo, nagbibigay-liwanag sa nakaraan, at nagdudugtong sa kasalukuyan.
Bagama’t hindi ito isang relihiyon, ito ay mahalagang bahagi ng kultura, nagbibigay ng karunungan at aliw, habang pinapahalagahan ang kaugnayan ng tao, kalikasan, at espiritwal na mundo.
Mitolohiyang Pilipino sa Makabagong Panahon
Ngayon, muling nabubuhay ang oral na tradisyon ng mitolohiyang Pilipino sa makabagong teknolohiya, lalo na sa pamamagitan ng YouTube, podcast, Snapchat. Maraming mga storyteller ang nag kukwento ng mga lumang kwento, alamat, kwentong katatakutan gamit ang wikang Filipino, na nagbibigay-buhay sa mga alamat at mitolohiya para sa mas malawak na madla. Ang kanilang paraan ng pagkukwento at muling pagsasalaysay ay hindi lamang nagpapalaganap ng mga kwento kundi nagbibigay rin ng panibagong anyo sa mga ito, na nagiging mas relevant para sa kasalukuyang panahon.
Ang YouTube ang naging daluyan kung saan ang mga kuwento ng mga diwata, aswang, tikbalang, anito, at iba pang nilalang ay muling naisasalaysay, pinagyayaman, at ipinapasa sa mga bagong henerasyon. Ang mga storytellers na ito ay nagiging tagapangalaga ng kultura, pinapanatili nilang buhay ang mitolohiya tulad ng daloy ng tubig—laging bago ngunit nananatiling mahalaga.