Tuesday, August 16, 2016

Paniniwala at Tradisyon ng mga Bikolano

 

Paniniwala at Tradisyon ng mga Bikolano


words and photos from/by 


Kilala sila sa pagiging relihiyoso nila dala na rin ito ng impluwensiya ng mga Kastila. Hanggang ngayon ay malakas parin ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos at ang kahiligan nila sa mga pagkaing maaanghang at may gata. Mahilig sila sa pagsasayaw at pagdalo sa mga kasayahan. Simple lamang ang pananamit ng mga kalalakihang Bikolano ngunit ang mga kababahian ay mahilig magpaganda at gumagamit sila ng mga palamuti sa katawan. 

Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. 

Kilala din ang Peñafrancia Minor Basilica dahil makikita dito ang imahe ng Birheng Maria na kilala bilang ‘Ina’ ng mga Bikolano na siyang pinaparada nila kapag  Peñafrancia Festival. Makikita din dito ang ‘stained glass’ na gawa ni Pancho Piano na pinapakita ang ‘Ina’.

Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba't ibang isports, trade fairs at pagtatanghal, karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang kumpetisyon.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.