Kasaysayan ng Bicol
words and images by buhayngisangbikolano
Ang rehiyon ng Bicol ay kilala bilang Ibalon na nangangahulugang “sa kabila” o “mga tao sa kabilang dako”.
Ang Lugar ng Bicol ay nakilala sa buong pilipinas simula ng sumabog ang bulkang mayon na gumising sa milyong-milyong pilipino dahil marami ang napinsala nito. Naapektuhan ang mga karatig lugar nito, ang Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon.
Muli ulit nakilala ang lugar ng Bicol ng umpisahan ng mga tao dito ang pagdiriwang Tinagba Festival sa lungsod ng Iriga sa Bicol.
Lalo naman nagpaakit sa mga mata ng mga turista na dumadayo sa pilipinas nangg madiskubre ng mga tao sa Bicol ang mga "beaches" na matatagpuan sa iba't-ibang lugar sa Bicol. Naging Inspirasyon ito ng mga tao dito para lalo pa nila pagandahin ang kanilang mga natatanging lugar at makilala pa sa buong mundo.
Ang mga espanyol ang unang nakapunta sa Sorsogon, nakita nila ang mga lumang simbahan at mga lugar ng seminarista. Ang mga Bicolano din daw na hindi sangayon sa pagpapatakbo ng mga Espanyol sa bansa a umaakyat ng bundok at nagtatago hanggang sa sila ay mamatay na lamang. Kilala ang mga Bikolano sa kanilang malakas na paninindigan sa kanilang mga nais.
Ang rehiyon ay tinatawag din na "Los Camarines" pagkatapos ng kubo matagpuan sa pamamagitan ng mga Espanyol sa Camalig, Albay. Walang mga sinaunang-panahon na fossil ng mga hayop ang natuklasan sa Bicol at ang mga labi ng mga sinaung tao sa rehiyon ay nananatiling nakatago.
Malakas naman ang mungkahi ng mga Aeta mula sa Camarines Sur Ang Aeta mula sa Camarines Sur hanggang Sorsogon na may mga nanirahan doon matagal na ang nakalipas, ngunit ang pinakamatagal na katibayan ay sa kalagitnaan hanggang huling panahon ng Neolitiko.
Umiral din dito ang sistemang Barangay noong 1569. Nakita din sa mga dokumento na walang halong pamumuno ng Islam sa mga naunang datu.
Bago naman ang mga panahong tayo ay nasakop, nakabatay sa lakas, tapang, at katalinuhan ang kanilang pamumuno. Ang mga katutubong Bikolano din ay tila hindi interesado sa pulitika kaya malakas ang impluwensiya ng datu sa karamihan sa panahon ng krisis tulad ng digmaan. Kung hindi man, ang mga katutubong Bikolano ay naka-sentro/malapit sa pamilya kaya naman ang pinuno noon ay ang pinuno ng pamilya. Ang mga Bikolano ay inilalarawan ng mga chroniclers ng Espanyol bilang mabangis na mandirigma.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.