Wednesday, July 1, 2026

Bagong Rates sa Cagsawa Ruins, Ipinatupad na




Bagong Rates sa Cagsawa Ruins, Ipinatupad na para sa Pag-unlad ng National Cultural Treasure Epektibo ngayong araw, Hulyo 1, 2026, opisyal nang ipinatupad ang mga bagong rate ng entrance at parking fees sa makasaysayang Cagsawa Ruins. Ang hakbang na ito ay bahagi ng maikli at pangmatagalang development plans ng lokal na pamahalaan para sa rehabilitasyon ng itinuturing na National Cultural Treasure (NCT) na ito. Sa loob ng maraming taon, labis na napabayaan ang Cagsawa Ruins, dahilan upang maging isa ito sa mga pinakahuling napaunlad na NCT sa buong Pilipinas. Ngunit ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Daraga, panahon na para sa isang malaking pagbabago. Makabagong Pasilidad at Mas Komportableng Karanasan Sa kasalukuyan, sinimulan na ng Pamahalaang Bayan ng Daraga ang pagpapaganda sa mga pasilidad ng Cagsawa: ▪️Tech Upgrade sa Ticket Booth: Sumailalim sa renobasyon ang ticket booth kung saan gumagamit na ngayon ng makabagong QR passes at tumatanggap na rin ng digital payments. ▪️Online Booking: Para sa mas mabilis at hassle-free na pagpasok, maaari nang mag-book online ng mga pass sa ViajeKita Website. ▪️Modernong Palikuran: Bagong-bago na rin ang pampublikong banyo sa loob ng complex. Kung dati ay itinuturing na "luxury" ang maayos na pasilidad, ngayon ay mae-enjoy na ng mga turista ang pressurized water na may maayos na flush, bidet, at on-demand water supply. Simula nang simulan ang mga pagbabagong ito noong Mayo 2026, umabot na sa sampu-sampung libong bisita ang winelkam ng pasyalan. Inaasahan pa ang pagdagsa ng mas maraming turista sa mga susunod na buwan kasabay ng pagbubukas ng dalawa pang istruktura mula sa 17th Century sa loob mismo ng complex. Ang mga Bagong Singilin (Updated Fees) Narito ang opisyal na listahan ng mga bagong singilin na inclusive na ng ₱25.00 Environmental Fee: Adult | ₱100.00 Child | ₱50.00 Senior Citizen / PWD | ₱75.00 Student | ₱75.00 | Parking Fees: Kotse: ₱50.00 Motorsiklo / Tricycle: ₱30.00 Paunawa sa mga Diskwento: Mayroong karagdagang diskwento ang mga residente ng Daraga bukod pa sa mga nakalistang presyo sa itaas. Upang makuha ang mga kaukulang diskwento (para sa mga residente, Senior, PWD, at Estudyante), kinakailangang magpakita ng valid ID sa ticket booth. 


https://www.facebook.com/photo/?fbid=1558145329253121&set=a.174801827587485

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.