An Rehiyon Bikol (Ingles: Bicol Region o Region V) sarô sa mga rehiyon na administratibo kan Republika kan Filipinas, na pig-aapod man na Rehiyon V. Inaapod man ining Bicolandia o Kabikolan. An Bicol igwang anom na probinsya, apat sa may kadagaan kan Bicol Peninsula (sa sur-subangan na parte kan isla nin Luzon) – Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, asin Sorsogon – asin duwang probinsya sa mga isla kan Catanduanes asin Masbate.
An sentro nin rehiyon iyo an syudad nin Legazpi asin igwang sarong Independent Component City, an banal na syudad nin Naga. An rehiyon sarong lugar na marayom kan Lamon Bay sa norte, Dagat Filipinas sa sirangan, asin Sibuyan Sea saka Ragay Gulf sa nakalat sa katundan. An mga probinsyang nasa norteng parte, Camarines Norte asin Camarines Sur, pigkokontrol sa kan kanan kan provincia nin Quezon.
Hitik sa yamang lupa at sagana ang Bicol, mas higit na hitik ang Bicol pagdating sa mga Alamat, kwentong bayan at Epiko.
Ang lumang Ibalong o ang Bagong Bicolandia ay tahanan ng maraming alamat, kwento at kamanghamanghang nilalang. Mula sa mga sinaunang diyos ng mula sa kamurayan hangang sa mga halimaw ng kalupaan at mga aswang at demonyo galing sa Gagambang. Mayaman at buhay ang mitolohiya ng mga Oragon maging sa kasalukuyang panahon. Napanatili ng mga taga Bicol ang kanilang mga Alamat at kwento sa pamamagitan ng pag sasalin salin at pagkukwento ng mga ito.
Ang mga Sinaunang diyos o diwata sa mitolohiya ng Bicol. Mga nilalang ng Kamurayan at kabaitan.
GUGURANG
Gugurang |
Gugurang |
Papular na kwento ukol kay Poong Gugurang ay ang pakikipagtagisan niya laban sa kapatid na si Asuang na panginoon ng lagim at dilim. Ayon sa kwento tinangkang agawin at nakawin ni Asuang ang alab ni Gugurang na nakatago sa loob ng Bulkang Mayon. Binabantayang ng mga Katambay (mga lalaking anghel) ang alab ngunit nagawang linlangin ni Asuang ang mga ito. Naghasik si Asuang ng lagim gamit ang apoy at lahar mula sa bulkan. Nagalit si Gugrang at inutusan niya ang kanyang mga alagad na si Linti at Dologdog upang bawiin ang alab mula kay Asuang. Sa huli nag tuos ang magkapatid at nagwagi ang kabutihan.
Gugurang |
Ayon din sa mga kwento bumababa mula sa kamurayan si Gugurang, nag aanyong binatang mauban (parang gurang o maraming puting buhok) ang gumagala at naglalakad lakad malapit sa paanan ng Bulakang Mayon o di kaya ay sa gubat. Isang kilalang kwentong Bayan sa Bikol ang pagtatagpo ng landas ni Gugurang at ang Yasaw. Ang Yasaw ay isang uri ng itim nilalang na tila bata mapaglaro at makulit ngunit hindi masama, nilalang ng gabi. Isang gabi naglalakad sa kagubatan ang nagkatawang lupang si Gugurang. Sinusundan at kinukulit ito ng Yasaw. Si Gugurang ay nagulat ng biglang lumitaw ng Yasaw sa harap nito inakalang isang halimaw o Aswang ang yasaw. Gamit ang apoy mula sa palad nasunog ang yasaw.
Gugurang |
Ang ibang kwento tungkol kay Gugurang ay ang pakikipagtagisan ng lakas laban sa masamang diyos na si Kan-laon. Mula sa kabilang ibayo ng dagat nagpapadala ng mga halimaw at balang at bolang apoy si Kan-laon. Minsan ay Inuutusan ni Gugurang ang kanyang mga alagad na si Linti at Dologdog upang sagupain ang mga halimaw at balang. Minsan si Gugurang na minsmo ang dumadayao (bumababa sa lupa) upang puksain ang mga balaw at halimaw at upang apulain ang mga apoy na dulot ni Kan-laon
Gugurang |
Tubigan |
LANGUTION
Languiton |
Si Langit o Langiton ang Sinaunang diyos ng langit sa mitolohiyang Bicolano
Languiton |
PAROS
Paros - Si Paros sa mitolohiya ng mga Bikolano ay ang sinaunang diyos ng hangin at himpapawid. Gamit ang hanging habagat at amihan binigyang buhay ng mga hayop at halaman. Nililinis niya ang kapaligiran. Siya ang kabiyak ni Dagat.
ASUANG
Asuang, Si Asuang sa mitholohiyang Bicolano ay ang mataas na diwata o dios ng kasamaan, dilim at lagim. Siya ang makapangyarihang kapatid ni Gugurang. Pinaniniwalaang si Asuang ay nakapiit at nakagapos na nahihibing sa loob ng bulkang Malinao. Ayon sa alamat ng Bikol siya rin ang pinuno at diyos ng mga sinaunang Aswang at lahat ng nilalang ng dilim at kasamaan. Mula kay Aswang nagmula ang lipi ng mga Aswang. Ang ibang aswang ay pinakawalan ni Asuang mula sa Gagamban o kailalimang mundo. Ang iba naman ay karaniwang tao na biniyayaan ng diyos ng lagim ng pambihirang liksi, lakas at kapangyarihang magpalit anyo, gamit ang mga itim na mutya o bato na nagiging itim sa sisiw o ibon. Kapag insinubo ng karaniwang tao ang mutyang itim, ito ay nagiging aswang.
Kilalang kwento ukol kay Asuang ay ang tangka nitong pag nakaw sa alab ng Ibalong. Ang apoy ni Gugurang na may kakayanang utusan ang mga bulkan at magpakawala ng mga galang apoy. Ayon sa kwento nagtungo sa bulkang Mayon si Aswang at tinalo ang mga bantay nito na Katambay (sa ibang kwneto nilinlang niya ang mga ito) gamit ang alab ng Ibalong ay naghasik ng kaguhluhan si Asuang.
Kinalaban siya ni Linti gamit ang kidlat ang ribong kilat, kasama ng kapatid nito na sakay ng ulap na si Dologdog gamit ang kulog at hanging habagat.
Isang kwentong bayan na nagpapaliwanag kung bakit malakas ang mga Aswang at nilalang ng dilim kapag kabilugan ng buwan. Ayon sa kwento bumababa mula kamurayan ang diyos ng Buwan na si Bulan kasama ng mga babaeng espiritu ng ulap at hangin upang lumangoy at magtampisaw sa tubig ng danaw ng bato. Naisip ni Aswang na utusan ang mga Magindara at Aswang upang dukutin at salantain ang dios ng buwan ngunit ng dumating sa kinaroroonan ng dios ng buwan ang mga mabagis na magindara, halimaw at aswang. Sila ay nabighani at natulala at pansamantalang bumait at umamo. Nabighani sila sa kabaitan at nagliliwanag na wangis ng dios ng buwan. Galit na galit si Asuang at nagpasyang siya na mismo ang dudukot sa diyos ng buwan. Nang makarating ito sa danaw o lawa nakita niyang nakikipaglaro at nagtatampisaw kasama ng mga magindara at buwaya at ibang nilalang ng dilim si Bulan. Nagbago ang isip ni Asuang at kinaibaigan si Bulan. Simula nito naging magkaibigan si Bulan at Asuang. Ito rin ang dahilan kung bakit masmalaks ang mga Aswang at halimaw kapagka malimanag ang at bilog ang buwan.
Kwento ukol kay Asuang ay ang pakikipagsabwatan nito kina Naginded, Arapayan at Magkaburak. Mga demonyong dayo mula sa kabilang panig ng karagatan. Ayon sa kwento tinawag ni Asuang mga tatlong magkakapatid upang maghasik ng lagim sa Ibalong. Tatlong mandirigmang batukan (pintado) na lumusob sa mga barangay. Ang tatlong magkakapatid ay sabay sabay kung magsalita at tila iisang tinig lamang. Ang sumpait ang dilim at nalapatan ng liwanag ng buwan ay lumabas ang tunay na anyo ng mga ito bilang isang demonyong may tatlong ulo.
Si Asuang din ang dahilan sa maraming kaguluhan sa Ibalong, gaya nalamang ng pagsalakay ng Rabot. Ang Rabot ay pambihirang halimaw, kalahating tao, kalahating halimaw na may pakpak na napakalaki. Napakalakas ng sigaw ng Rabot na tumitilapon ang mga tao at mandirigmang lumalaban rito. Gamit ang mga mata nito ay nagiging bato ang mga tao at hayop. Nilinlang ni Asuang ang Rabot at sinabing ang mga tao ng Ibalong ang dahilan kung bakit pumanay ang ina nito (na tao) nagalit ang Rabot at naghasik ng lagim at kaguluhan.
OKOT
Okot |
Okot |
Si Okot ang espiritu o diyos ng kagubatan at pangangaso. Matangkad, matipuno at malakas. Gabay ng mga mangangaso at mangangahoy. Sumisipol at humihuni ng gaya ng ibon upang gabayan ang mga tao. Ayon sa kwento siya ay mayroong mahiwang sinturon na gawa sa baging na nagiging purong ginto. Ang mahiwagang sinturon na ito ay sisidlan ng mga butong mahiwaga. Ang mga butong ito ay maykakayanang magpagaling ng mga malubhang sakit, karamdaman at sugat. Pinaniniwalaan ding mula sa sinturon ni Okot nagmula ang mga sinaunang siling labuyo n kilala sa Bikol.
okot |
Nang dumating ang mga mananakop na Kastila sa Ibalong at nalaman nila ang pag samba ng mga ''vagamundo'' sa mga diyos at diwata, Ang matinpuno at matayog na si Okot ay ginawang katatawanan ng mga kastila. Sinabi ng mga kastila na si Okot ay pandak, at isang duwende. Iniba ng mga kastila ang pananaw ng mga tao kay Okot.
BULAN
Si Bulan ang diyos ng Buwan ayon mitholohiya Ibalong,Si Bulan ang sinaunang diwata ng buwan siya ang Sinaunang diyos ng Buwan na hinalilinan at ipinagtatangol ni Haliya
Ang Bulan at ang Adlao at pinagbubunyi at kinaririktan ng mga sinaunang tao ng Ibalong. Gaya ni Adlao Muling nagbalik mula sa kawalan patungo sa kamaurayan si Bulan. Inilagay ni Poong Gugurang si Bulan sa kalangitan. Mula sa lupa hindi mapantayan sa kalangitan ang liwanag ni Bulan ay matatanaw.
Sa mga kwento at alamat si Bulan ay maykatawang yari sa bronse o tanso ngunit kapag siya ay bumababa sa lupa o nagaanyong tao ito ay sa wangis ng Magandang Binata.
Sinasabing Walang kapintasan ang kanyang maamong mukha. Isang magandang binata ang anyo ni Bulan. Makinis at tila sutla at napakaputi ng kanyang balat. Ang kanyang mahabang buhok at mata ay sing itim ng hating gabi.
Sinasabing napaka amo at napaka dalisay ng wangis ni Bulan, sa kanyang pag baba sa lupa mula sa langit ang kanyang kinam ay di mapantayan. Nang makita ng mga halimaw at aswang ang kanyang wangis ay pansamantala silang naging maamo. Nang makita ng mga ibon at lumilipad na nilalang ang kanyang mukha ay nagsilaglagan sila, ang mga isda ay pansamantalang nalimutang lumangoy. Maging ang mg mababangis na aswang ng dagat na magindara ay napaamo ni Bulan.
Ang mga lumang taong lipod ay ang mga ispiru ng hangin at ulap, sila ang mga mababang diwata na siyang naglilingkod sa mga dayao bago sila naging mga di nakikitang masasamang nilalang ng dilim. Nais ng mga tawong lipod matuklasan kung ano ba ang mayroon sa lupa. Sakanilang pagtataka at paguusisa ay di sinasadyang marinig ni Haliya ang mga ito. Kimubinsi ng mga taong lipod na bumama sa lupa si Haliya, si Haliya naman ay pinilit si Bulan na sumama pababa sa lupa. Noong una ay ayaw pa ni Bulan bumaba sa, ngunit sa pag pupumilit ng kapid ay pumayag na rin ito.
Mula sa kaintaasan ng kamurayan ay dahang dahang bumaba si Haliya at Bulan, kasunod ng mga tawong lipod. walang kupas ang kinang ng dalawa, ang pag baba ni Haliya at Bulan ay isang kagilagilalas na pangyayari. Sa kanilang kagandahan ay napatingil sa pag lipad ang mga ibon at mga lumilipad na nilalang. Pagtapak sa lupa ni Haliya at Bulan ang mga halimaw ng lupa ay pansamantalang naging maamo.Dahil sa kanilang taglay na kagandahan ang mga mababangis na aswang dagat na magindara ay naging maamo. Sa labis labis na kagandahan at busilak na liwanag na kanilang taglay pansamantalang nalimutan ng mga isda na lumangoy. Nagtampisaw sa lawa ng Bato si Haliya at Bulan. Ang mga halaman ay nag bulungan at nahiya. Tinanong ni Haliya ang mga ito. Sumagot ang mga halaman na hindi sila karapat dapat kausapin ng mga Buwan dahil sila ay mga halamang tubig lamang. Naantig si Haliya at Bulan sa mga kataga ng halaman. Bilang gantimpala sa kababaang loob pjnagkalooban nila ng kagandahan ng mga ito. Ang mga halaman ay naging bulaklak ng sawa (lotus)at bulaklak ng takay.(water hyacinth). Ang mga bulaklak na ito ay kumakatawan sa kababaang loob kanilisan ng kalooban ng puso. Makikitang kahit sa pinakamaputik na lugar ay namumukadkad ng nakaangat ng walang bahid ang mga ito. Ang tangkay naman ay nanatiling nakababad sa putik, simbulo na kailan man ay hindi mag mamataas.
Ang bulaklak ng sawa at ng takay ay kumakatawan sa pagiging mabait, mapagkumbaba at pagiging palakaibigan ng mga Bikolano. Ang putik at yurak na tinutubaan ng mga ito ay ang pasakit at paghihirap sa buhay na hindi maiiwasan, ang mamumukadkad ng mga bulaklak ay kumakatawan sa kalinisan ng budhi at pagiging masikap ng mga Bikolano. Ang tangkay na nakalubog sa putik ay gaya ng mga paang nakatapak sa lupa, ang magiging mabait at mapagkumbaba.
HALIYA
HALIYA |
Si Haliya ang Diyosa o diwata ng liwanag ng buwan, o diwata ng buwan sa lupain Ibalong. Mandirigma, Matapang at malakas ang loob, walang kapintasan ang kanyang maamo at magandang mukha na kanyang intinatago sa likod ng maskarang gawa sa ginto. Bilang diwata ng Buwan at kumakatawan sa liwanag ng buwan siya ang tagapagtangol ng sinaunang diyos ng buwan na si Bulan. Kilalang kilala si Haliya bilang ang kalaban ng Bakunawa
HALIYA |
Pinaniniwalaang si Haliya ay anak ni Bulan, sa ibang bersyon ng kwento siya ay kapatid, kapid (kambal) ni Bulan. Malungkot at nangungulila sa pag iiisa sa kalangitan at kamurayan si Bulan. Sa kanayang pighati ay binunot niya mula sa kanyang katawan at nilalang nya ito upang maging kasama. Mula kay Bulan umusbong ang napakagadang si Haliya. Si Haliya gaya ni Bulan ay napakagandang diwata, mala sulta ang balat sa kaputian, ang kanilang mata at mahahabang buhok ay sing itim ng hating gabi. Tinatago niya ang kanyang kinam at kagandahan sa likod ng ginintuang takip sa mukha (likha mula sinag ng araw at ginto) o maskarang gawa sa ginto
Si Haliya at matapang, matatag at mabagis kung minsan, kabaliktaran ng kanyang kapid na maamo, pala laro at may kahinhinan. Isang halimbawa ay ang kwento kung saan nakita ng mga Dayao ang halimaw na Rabot, nais agad puksain ni Haliya ang halimaw gamit ang kanyang kampilan ngunit siya ay pinigilan ni Bulan. Si Haliya at si Bulan ang pinaka ma-dayao o pinakamaganda sa kalangitan, dalisay na nagliliwanag sa madilim na kalangitan. Sa kanilang angking rikit ay nabibighani ang mga ibang diwata, halimaw at mga sirena.
HALIYA |
Marami at iba iba ang kwento tungkol kay Haliya. Pagpasalinsalin ang kwento ni Haliya, Bulan at ng Bakunawa mula lumang paanhon hangang sa kasalukyan.
HALIYA |
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.