Sunday, September 6, 2015

Mga diyos at diyosa, mga maalamat na bayani at hamilaw ng Bicolandia

 

An Rehiyon Bikol (InglesBicol Region o Region V) sarĂ´ sa mga rehiyon na administratibo kan Republika kan Filipinas, na pig-aapod man na Rehiyon V. Inaapod man ining Bicolandia o Kabikolan. An Bicol igwang anom na probinsya, apat sa may kadagaan kan Bicol Peninsula (sa sur-subangan na parte kan isla nin Luzon) – AlbayCamarines NorteCamarines Sur, asin Sorsogon – asin duwang probinsya sa mga isla kan Catanduanes asin Masbate.

An sentro nin rehiyon iyo an syudad nin Legazpi asin igwang sarong Independent Component City, an banal na syudad nin Naga. An rehiyon sarong lugar na marayom kan Lamon Bay sa norte, Dagat Filipinas sa sirangan, asin Sibuyan Sea saka Ragay Gulf sa nakalat sa katundan. An mga probinsyang nasa norteng parte, Camarines Norte asin Camarines Sur, pigkokontrol sa kan kanan kan provincia nin Quezon.

Hitik sa yamang lupa at sagana ang Bicol, mas higit na hitik ang Bicol pagdating sa mga Alamat, kwentong bayan at Epiko.

Ang lumang Ibalong o ang Bagong Bicolandia ay tahanan ng maraming alamat, kwento at kamanghamanghang nilalang. Mula sa mga sinaunang diyos ng mula sa kamurayan hangang sa mga halimaw ng kalupaan at mga aswang at demonyo galing sa Gagambang. Mayaman at buhay ang mitolohiya ng mga Oragon maging sa kasalukuyang panahon. Napanatili ng mga taga Bicol ang kanilang mga Alamat at kwento sa pamamagitan ng pag sasalin salin at pagkukwento ng mga ito.




Ang mga Sinaunang diyos o diwata sa mitolohiya ng Bicol. Mga nilalang ng Kamurayan at kabaitan.






GUGURANG


Gugurang


Gugurang - Si Gugurang ang kataastaasang diwata o dios sa mitolohiya ng mga Bicolano. Siya ay ang tinitingala at patnubay ng mga mabubuti. Makapangyarihan ngunit patas at mabait. Sa mga kwento siya ay isinasalarawan bilang lalaking matipuno at mauban o puro pilak o puti ang mahabang buhok. Gamit ang apoy at kidlat mula sa himpapawid pinaparusahan niya ang mga maharot o masasama.  May kasabihang "si Gugurang Masuripot" o ang dios ay patas sa lahat



Gugurang




Papular na kwento ukol kay Poong Gugurang ay ang pakikipagtagisan niya laban sa kapatid na si Asuang na panginoon ng lagim at dilim. Ayon sa kwento tinangkang agawin at nakawin ni Asuang ang alab ni Gugurang na nakatago sa loob ng Bulkang Mayon. Binabantayang ng mga Katambay (mga lalaking anghel) ang alab ngunit nagawang linlangin ni Asuang ang mga ito. Naghasik si Asuang ng lagim gamit ang apoy at lahar mula sa bulkan. Nagalit si Gugrang at inutusan niya ang kanyang mga alagad na si Linti at Dologdog upang bawiin ang alab mula kay Asuang. Sa huli nag tuos ang magkapatid at nagwagi ang kabutihan.


Gugurang

Ayon din sa mga kwento bumababa mula sa kamurayan si Gugurang, nag aanyong binatang mauban (parang gurang o maraming puting buhok) ang gumagala at naglalakad lakad malapit sa paanan ng Bulakang Mayon o di kaya ay sa gubat. Isang kilalang kwentong Bayan sa Bikol ang pagtatagpo ng landas ni Gugurang at ang Yasaw. Ang Yasaw ay isang uri ng itim nilalang na tila bata mapaglaro at makulit  ngunit hindi masama, nilalang ng gabi. Isang gabi naglalakad sa kagubatan ang nagkatawang lupang si Gugurang. Sinusundan at kinukulit ito ng Yasaw. Si Gugurang ay nagulat ng biglang lumitaw ng Yasaw sa harap nito inakalang isang halimaw o Aswang ang yasaw. Gamit ang apoy mula sa palad nasunog ang yasaw.


Gugurang


Ang ibang kwento tungkol kay Gugurang ay ang pakikipagtagisan ng lakas laban sa masamang diyos na si Kan-laon. Mula sa kabilang ibayo ng dagat nagpapadala ng mga halimaw at balang at bolang apoy si Kan-laon. Minsan ay Inuutusan ni Gugurang ang kanyang mga alagad na si Linti at Dologdog upang sagupain ang mga halimaw at balang. Minsan si Gugurang na minsmo ang dumadayao (bumababa sa lupa) upang puksain ang mga balaw at halimaw at upang apulain ang mga apoy na dulot ni Kan-laon


Gugurang


Sa mitolohiyang Bicol si Gugurang din ang muling nagbigay buhay sa mga sinaunang diyos ng Buwan at Araw na sina Adlao at Bulan. Mula sa kawalan ay hinugot ng dakilang Gugurang ang mga ito at inilagay muli sa kamurayan.










TUBIGAN

Tubigan




Si Tubigan ay ang sinaunang diyos ng katubigan at karagatan na kumakatawan sa malawak na kalawakan o ang langit kapaka gabi.

Tubigan

Si Tubigan ang sinaunang diyos ng walang hangang dagat espiritual at ng dagat ng mundo. Naniniwala ang mga Bikolano na ang kalawakan ay ang dagat ng kaitaasan. Pinagmulan ng buhay, Si Tubigan ang naghahari sa dagat ng kalawakan at kaintaasan. Samantalang si Languiton ang naghahari sa kalangitan at bughaw na himpapawirin. Ang lahat ng mga halimaw na lumalangoy ay si tubigan ang panginoon.
Sa mga kwentong bayan si Tubigan ay nahihimbing sa ilalim ng karagatan binabantayan ng mga magagandang sirena at magindara.


DAGAT

Dagat. Si Dagat ay ang diyosa ng karagatan at katubigan. Ina ng mga makapangyarihang diwata na sina Daga, Adlao, Bulan at Bitoon.
Kabiyak ng dibdib ni Paros ang diyos ng kalangitan at hangin. Si Dagat ang kumakatawan sa mga karagatan ng daig-dig at katubigan









LANGUTION



Languiton


Si Langit o Langiton ang Sinaunang diyos ng langit sa mitolohiyang Bicolano

Si Languiton ang kataastaasang diwata o diyos ng kalangitan. Kumakatawan sa malawak na walang ulap bughaw na langit, na nagsisimbulo sa kabutihang budhi, kalinisan ng puso, katotohanan at katatagan. Siya rin ang panginoon ng lahat ng nilalang na lumilipad at maypakpak na nilalang at halimaw dito sa lupa at maging sa espirtual na kalangitan. Si Lanquiton Kinakatukan ng mga halimaw. 
Languiton

Kinalaban siya ng tatlong mataas na diwata o diyos  na sina Daga,Adlao at Bulan. Sakanilang sagupaan natalo ang tatlong mataas na diyos. At si Languiton ay nanatiling pinaka makapangyarihan.

languiton


PAROS


Paros - Si Paros sa mitolohiya ng mga Bikolano ay ang sinaunang diyos ng hangin at himpapawid. Gamit ang hanging habagat at amihan binigyang buhay ng mga hayop at halaman. Nililinis niya ang kapaligiran. Siya ang kabiyak ni Dagat. 



ASUANG






Asuang, Si Asuang sa mitholohiyang Bicolano ay ang mataas na diwata o dios ng kasamaan, dilim at lagim. Siya ang makapangyarihang kapatid ni Gugurang. Pinaniniwalaang si Asuang ay nakapiit at nakagapos na nahihibing sa loob ng  bulkang Malinao. Ayon sa alamat ng Bikol siya rin ang pinuno at diyos ng mga sinaunang Aswang at lahat ng nilalang ng dilim at kasamaan. Mula kay Aswang nagmula ang lipi ng mga Aswang. Ang ibang aswang ay pinakawalan ni Asuang mula sa Gagamban o kailalimang mundo. Ang iba naman ay karaniwang tao na biniyayaan ng diyos ng lagim ng pambihirang liksi, lakas at kapangyarihang magpalit anyo, gamit ang mga itim na mutya o bato na nagiging itim sa sisiw o ibon. Kapag insinubo ng karaniwang tao ang mutyang itim, ito ay nagiging aswang.


Kilalang kwento ukol kay Asuang ay ang tangka nitong pag nakaw sa alab ng Ibalong. Ang apoy ni Gugurang na may kakayanang utusan ang mga bulkan at magpakawala ng mga galang apoy. Ayon sa kwento nagtungo sa bulkang Mayon si Aswang at tinalo ang mga bantay nito na Katambay (sa ibang kwneto nilinlang niya ang mga ito) gamit ang alab ng Ibalong ay naghasik ng kaguhluhan si Asuang.

Kinalaban siya ni Linti gamit ang kidlat ang ribong kilat, kasama ng kapatid nito na sakay ng ulap na si Dologdog gamit ang kulog at hanging habagat. 


Isang kwentong bayan na nagpapaliwanag kung bakit malakas ang mga Aswang at nilalang ng dilim kapag kabilugan ng buwan. Ayon sa kwento bumababa mula kamurayan ang diyos ng Buwan na si Bulan kasama ng mga babaeng espiritu ng ulap at hangin upang lumangoy at magtampisaw sa tubig ng danaw ng bato. Naisip ni Aswang na utusan ang mga Magindara at Aswang upang dukutin at salantain ang dios ng buwan ngunit ng dumating sa kinaroroonan ng dios ng buwan ang mga mabagis na magindara, halimaw at aswang. Sila ay nabighani at natulala at pansamantalang bumait at umamo. Nabighani sila sa kabaitan at nagliliwanag na wangis ng dios ng buwan. Galit na galit si Asuang at nagpasyang siya na mismo ang dudukot sa diyos ng buwan. Nang makarating ito sa danaw o lawa nakita niyang nakikipaglaro at nagtatampisaw kasama ng mga magindara at buwaya at ibang nilalang ng dilim si Bulan. Nagbago ang isip ni Asuang at kinaibaigan si Bulan. Simula nito naging magkaibigan si Bulan at Asuang. Ito rin ang dahilan kung bakit masmalaks ang mga Aswang at halimaw kapagka malimanag ang at bilog ang buwan.






Kwento ukol kay Asuang ay ang pakikipagsabwatan nito kina Naginded, Arapayan at Magkaburak. Mga demonyong dayo mula sa kabilang panig ng karagatan. Ayon sa kwento tinawag ni Asuang mga tatlong magkakapatid upang maghasik ng lagim sa Ibalong. Tatlong mandirigmang batukan (pintado) na lumusob sa mga barangay. Ang tatlong magkakapatid ay sabay sabay kung magsalita at tila iisang tinig lamang. Ang sumpait ang dilim at nalapatan ng liwanag ng buwan ay lumabas ang tunay na anyo ng mga ito bilang isang demonyong may tatlong ulo.



Si Asuang din ang dahilan sa maraming kaguluhan sa Ibalong, gaya nalamang ng pagsalakay ng Rabot. Ang Rabot ay pambihirang halimaw, kalahating tao, kalahating halimaw na may pakpak na napakalaki. Napakalakas ng sigaw ng Rabot na tumitilapon ang mga tao at mandirigmang lumalaban rito. Gamit ang mga mata nito ay nagiging bato ang mga tao at hayop. Nilinlang ni Asuang ang Rabot at sinabing ang mga tao ng Ibalong ang dahilan kung bakit pumanay ang ina nito (na tao) nagalit ang Rabot at naghasik ng lagim at kaguluhan.



OKOT


Okot

Okot



Si Okot ang espiritu o diyos ng kagubatan at pangangaso. Matangkad, matipuno at malakas. Gabay ng mga mangangaso at mangangahoy. Sumisipol at humihuni ng gaya ng ibon upang gabayan ang mga tao. Ayon sa kwento siya ay mayroong mahiwang sinturon na gawa sa baging na nagiging purong ginto. Ang mahiwagang sinturon na ito ay sisidlan ng mga butong mahiwaga. Ang mga butong ito ay maykakayanang magpagaling ng mga malubhang sakit, karamdaman at sugat. Pinaniniwalaan ding mula sa sinturon ni Okot nagmula ang mga sinaunang siling labuyo n kilala sa Bikol.


okot

Nang dumating ang mga mananakop na Kastila sa Ibalong at nalaman nila ang pag samba ng mga ''vagamundo'' sa mga diyos at diwata, Ang matinpuno at matayog na si Okot ay ginawang katatawanan ng mga kastila. Sinabi ng mga kastila na si Okot ay pandak, at isang duwende. Iniba ng mga kastila ang pananaw ng mga tao kay Okot.




BULAN

Si Bulan ang diyos ng Buwan ayon mitholohiya Ibalong,Si Bulan ang sinaunang diwata ng buwan  siya ang Sinaunang diyos ng Buwan na hinalilinan at ipinagtatangol ni Haliya 


Ang Bulan at ang Adlao at pinagbubunyi at kinaririktan ng mga sinaunang tao ng Ibalong. Gaya ni Adlao Muling nagbalik mula sa kawalan patungo sa kamaurayan si Bulan. Inilagay ni Poong Gugurang si Bulan sa kalangitan. Mula sa lupa hindi mapantayan sa kalangitan ang liwanag ni Bulan ay matatanaw.




Sa mga kwento at alamat si Bulan ay maykatawang yari sa bronse o tanso ngunit kapag siya ay bumababa sa lupa o nagaanyong tao ito ay sa wangis ng Magandang Binata.

Sinasabing Walang kapintasan ang kanyang maamong mukha. Isang magandang binata ang anyo ni Bulan. Makinis at tila sutla at napakaputi ng kanyang balat. Ang kanyang mahabang buhok at mata ay sing itim ng hating gabi.


Nilagay ni Gugurang sa kaitaasan si Bulan, Ngunit malungkot ang nagiisa. Mula sa kanyang liwanag nilalang niya ang isang napakagandang diwata, magkahalintulad ang kanilang kinang. Magadang diwata na si Haliya. Ngunit magkasalungat ang kanilang gawi at ugali. Si Bulan ay mayumi, pala ngiti, malambing at mapaglaro samantalang walang kibo at hindi nagpapakita ng damdamin si Haliya.

Sinasabing napaka amo at napaka dalisay ng wangis ni Bulan, sa kanyang pag baba sa lupa mula sa langit ang kanyang kinam ay di mapantayan. Nang makita ng mga halimaw at aswang ang kanyang wangis ay pansamantala silang naging maamo. Nang makita ng mga ibon at lumilipad na nilalang ang kanyang mukha ay nagsilaglagan sila, ang mga isda ay pansamantalang nalimutang lumangoy. Maging ang mg mababangis na aswang ng dagat na magindara ay napaamo ni Bulan. 

Ang mga lumang taong lipod ay ang mga ispiru ng hangin at ulap, sila ang mga mababang diwata na siyang naglilingkod sa mga dayao bago sila naging mga di nakikitang masasamang nilalang ng dilim. Nais ng mga tawong lipod matuklasan kung ano ba ang mayroon sa lupa. Sakanilang pagtataka at paguusisa ay di sinasadyang marinig ni Haliya ang mga ito. Kimubinsi ng mga taong lipod na bumama sa lupa si Haliya, si Haliya naman ay pinilit si Bulan na sumama pababa sa lupa. Noong una ay ayaw pa ni Bulan bumaba sa, ngunit sa pag pupumilit ng kapid ay pumayag na rin ito. 


Mula sa kaintaasan ng kamurayan ay dahang dahang bumaba si Haliya at Bulan, kasunod ng mga tawong lipod. walang kupas ang kinang ng dalawa, ang pag baba ni Haliya at Bulan ay isang kagilagilalas na pangyayari. Sa kanilang kagandahan ay napatingil sa pag lipad ang mga ibon at mga lumilipad na nilalang. Pagtapak sa lupa ni Haliya at Bulan ang mga halimaw ng lupa ay pansamantalang naging maamo.Dahil sa kanilang taglay na kagandahan ang mga mababangis na aswang dagat na magindara ay naging maamo. Sa labis labis na kagandahan at busilak na liwanag na kanilang taglay pansamantalang nalimutan ng mga isda na lumangoy. Nagtampisaw sa lawa ng Bato si Haliya at Bulan. Ang mga halaman ay nag bulungan at nahiya. Tinanong ni Haliya ang mga ito. Sumagot ang mga halaman na hindi sila karapat dapat kausapin ng mga Buwan dahil sila ay mga halamang tubig lamang. Naantig si Haliya at Bulan sa mga kataga ng halaman. Bilang gantimpala sa kababaang loob pjnagkalooban nila ng kagandahan ng mga ito. Ang mga halaman ay naging bulaklak ng sawa (lotus)at bulaklak ng takay.(water hyacinth). Ang mga bulaklak na ito ay kumakatawan sa kababaang loob kanilisan ng kalooban ng puso. Makikitang kahit sa pinakamaputik na lugar ay namumukadkad ng nakaangat ng walang bahid ang mga ito. Ang tangkay naman ay nanatiling nakababad sa putik, simbulo na kailan man ay hindi mag mamataas.


Ang bulaklak ng sawa at ng takay ay kumakatawan sa pagiging mabait, mapagkumbaba at pagiging palakaibigan ng mga Bikolano. Ang putik at yurak na tinutubaan ng mga ito ay ang pasakit at paghihirap sa buhay na hindi maiiwasan, ang mamumukadkad ng mga bulaklak ay kumakatawan sa kalinisan ng budhi at pagiging masikap ng mga Bikolano. Ang tangkay na nakalubog sa putik ay gaya ng mga paang nakatapak sa lupa, ang magiging mabait at mapagkumbaba.


HALIYA


HALIYA




Si Haliya ang Diyosa o diwata ng liwanag ng buwan, o diwata ng buwan sa lupain  Ibalong.  Mandirigma, Matapang at malakas ang loob, walang kapintasan ang kanyang maamo at magandang mukha na kanyang intinatago sa likod ng maskarang gawa sa ginto. Bilang diwata ng Buwan at kumakatawan sa liwanag ng buwan siya ang tagapagtangol ng sinaunang diyos ng buwan na si Bulan. Kilalang kilala si Haliya bilang ang kalaban ng Bakunawa


HALIYA




Pinaniniwalaang si Haliya ay anak ni Bulan, sa ibang bersyon ng kwento siya ay kapatid, kapid (kambal) ni Bulan. Malungkot at nangungulila sa pag iiisa sa kalangitan at kamurayan si Bulan. Sa kanayang pighati ay binunot niya mula sa kanyang katawan at nilalang nya ito upang maging kasama. Mula kay Bulan umusbong ang napakagadang si Haliya. Si Haliya gaya ni Bulan ay napakagandang diwata, mala sulta ang balat sa kaputian, ang kanilang mata at mahahabang buhok ay sing itim ng hating gabi. Tinatago niya ang kanyang kinam at kagandahan sa likod ng ginintuang takip sa mukha (likha mula sinag ng araw at ginto) o maskarang gawa sa ginto


Si Haliya at matapang, matatag at mabagis kung minsan, kabaliktaran ng kanyang kapid na maamo, pala laro at may kahinhinan. Isang halimbawa ay ang kwento kung saan nakita ng mga Dayao ang halimaw na Rabot, nais agad puksain ni Haliya ang halimaw gamit ang kanyang kampilan ngunit siya ay pinigilan ni Bulan. Si Haliya at si Bulan ang pinaka ma-dayao o pinakamaganda sa kalangitan, dalisay na nagliliwanag sa madilim na kalangitan. Sa kanilang angking rikit ay nabibighani ang mga ibang diwata, halimaw at mga sirena.


HALIYA

Marami at iba iba ang kwento tungkol kay Haliya. Pagpasalinsalin ang kwento ni Haliya, Bulan at ng Bakunawa mula lumang paanhon hangang sa kasalukyan.



HALIYA


Maraming ibat ibang  kwento tungkot sa Bakunawa, laganap sa buong kapuluan. Sa Ibalong ,Ang bakunawa ay isang sinaunang diwata, isang diyos sa kailaliman. Gaya ng ibang nilalang nabighani ang si Bakunawa sa taglay na ningning ng mga dayao. Laging pinagmamasdan, laging tinitingala at laging umaasa si Bakunawa na mapansin manlang siya ni Bulan. Siang gabi bumaba mula sa kalangitan si Bulan at si Haliya. Masayang nag tampisaw at lumangoy kasama ng mga Magindara o sirena. Napagtanto ni Bakunawa na ito na ang tamang panahon upang lumapit at magtapat sa Bulan na kanyang laging tinitingala at tinatanaw. Nanglumapit si Bakunawa ay hindi siya napansin ni Bulan, pagkat ito ay masayang lumalangoy at nakikipaglaro sa mga sirena at iba pang nilalang. Napuno ng pag iimbot at galit si Bakunawa, ang tamis ng kanyang pagsinta ay napalitan ng pait at hapdi. Pinangako niya na mapapasakanya si Bulan. Nagpalit anyo ang diwata ng kailaliman, siya ay naging malaking nilalang na may kaliskis, isang dambuhalang halimaw na ang bibig ay sing-laki ng lawa. Mula sa kaibuturan ng dagat ay umabon ang Bakunawa upang lamunin si Bulan. Napansin ni Haliya ang paparating na panganip. Kanyang sinuot ang kanyang gayak pandigma, kinuha ang kampilang yari sa liwanag ng mga bituoon, at ang maskarang ginto. Kinalaban ni Haliya ang dambuhalang Bakunawa upang iligtas ang kanyang kapid. Nakita ni Gugurang (ang pinaka makapangyarihang diyos) ang mga naganap. Pinarusahan niyang manatiling anyong dambuhalang halimaw si Bakunawa. Simula noon ay katungali na ni Haliya ang Bakunawa.







Wednesday, June 24, 2015

The Tragedy and Redemption of OratĂ­hon: Demigod of Fire and the Birth of Tiwi's Hotsprings




 In the ancient days of Ibalong, a land slowly flourishing with its populace, a tale unfolds about OratĂ­hon some stories say his name is Sirinaw, or Sunlight , the demigod of the sun, fire, and warmth. He was a striking figure, described as handsome and muscular, with golden brown skin, and he rode a majestic golden boat. Born as the son of Adlaw, the Sun deity, OratĂ­hon's existence became entwined with a tragic event that left a lasting mark on the land.


The story begins when the people of Ibalong established their colony, naming it Tigbi, later known as Tiwi. It was a thriving community that caught the attention of OratĂ­hon, who, from his golden boat above the clouds, marveled at the beauty of its young maidens. Among them, he spotted the most enchanting maiden, and he was instantly captivated.Returning to the domain of his father, the Sun, Sirinaw or OratĂ­hon couldn't contain his feelings. He expressed his love for the beautiful maiden and sought his father's counsel. The Sun god, mindful of the dangers, warned OratĂ­hon that his young and hot body would harm the maiden if he approached her. Despite the warning, the demigod's infatuation led him to disregard his father's advice.The next day, adorned in his golden diadem and dressed in his finest robes, OratĂ­hon descended from the heavens to Tiwi. His excitement turned catastrophic as his mere presence ignited a great fire that consumed the houses and trees in its path. The people fled in fear as he searched for the object of his affection, leaving a trail of destruction.

Sirinaw found the beautiful maiden. However, as he reached out to her, she burst into flames and crumbled to dust. Overwhelmed with grief, the demigod knelt before the ashes and wept hot tears that fell on the scorched ground. The situation escalated to a point where OratĂ­hon's uncontrolled flames threatened to engulf the entire Ibalong.From the heavens, the watchful eyes of the gods Haliya and Bulan witnessed the unfolding disaster. Haliya, eager to intervene and stop OratĂ­hon, was held back by Bulan. Instead of direct confrontation, Bulan commanded the wind people to descend and subdue the demigod. Swiftly, they encircled OratĂ­hon, containing his flames, while some sought assistance from Gugurang, the supreme deity.Gugurang, in a gesture of immense power, absorbed all the fire and heat until it ceased to exist. OratĂ­hon, now subdued and punished for his recklessness, was forbidden to return to Ibalong or descend to Earth again.


As time passed, the once-burned lands of Tiwi miraculously transformed into lush greenery. The scars of the tragic event vanished, leaving behind only the tangible remnants of OratĂ­hon's sorrow — the warm tears that transformed into the soothing hot springs of Tiwi. Thus, a tale of tragedy, redemption, and the birth of natural wonders became etched in the annals of Ibalong's mythology.







REMINDER

The orally transmitted mythology of the Philippines is intended for sharing and understanding, not for appropriation, commercial exploitation, or the promotion of foreigners and foreign products. It is a dynamic narrative tradition that evolves over time, distinct from the standardized mythologies found in Western and European cultures. Unlike these established mythologies, the Philippine government has not mandated standardized versions of stories and legends.

Orally transmitted stories undergo variations and evolve over time, resulting in numerous different versions. There are many different version told by Filipinos,and retold by Filipinos.


Tuesday, June 23, 2015

Sirinaw


Oratihon/Uratihon or Sirinaw (Sinag or Sunlight) is the demigod of the sun, fire, and warmth, described as handsome and lean with golden brown skin and rides a golden boat. Son of Adlaw he is known to be the cause of a great fire in Ibalong and his tears turned into Hotsprings  



Long ago when the populace of Ibalong was slowly spreading into their lands, they have built their colony and called it Tigbi(Tiwi). One day the son of the Sun deity named OratĂ­hon was over the colony and marveled at the beauty of its young maidens.
From his golden boat above the clouds, he saw the most beautiful maiden. He was smitten. He returned to their domain and to his father the sun. He told his father about the beautiful maiden and of how he felt for her. The sun god said to his son, that he is still too young, and that he can not yet fall in love or go near the maiden. For his body was still young and hot and would burn her. If you truly love her you would keep your distance.
The son of Adlao did not heed his father's warnings. The next day he put on his golden diadem, and dressed in his best robes his golden boat and came down to Tiwi. He was so excited to see the young maiden.
When his feet touched the ground. the houses of Tiwi burst into flames. He saw that the people were running away, He walked in search of the beautiful maiden, as he walked he left a trail of fire and destruction. The trees, the houses burned as he passes by. Finally, he saw the girl he desires. His body became hotter. He ran to hold the girl but she burst into flames, then crumbles to dust. Oratihon knelt in front of the ashes of the young maiden and wept. His hot tears fell on the ground. He was about to explode with anguish and would burn the whole Ibalong. From the heavens the gods Haliya and Bulan saw what was happening. Haliya wanted to comedown and smite the demigod to stop him from burning Ibalong but Bulan stopped her, instead he ordered the wind people to go down and try to subdue the demigod. Swiftly the wind people rushed and circled the demigod, containing his flames. Some of the wind people went to Gugurang, the supreme deity went and absorbed all the fire and heat until it was no more.  Oratihon was punished, and forbidden to ever returning to Ibalong nor never go down to earth again. 


Years later the burned lands of Tiwi became green again and no signs of the disaster that what had happened remained, except for the tears of the young lunar deity. His warm tears became the hot springs of Tiwi


Tagalog variant


Ang Bukal ng Tiwi ay isa sa magaganda at natatanging pook sa Pilipinas. Ito ay may layong higit-kumulang na apatnapung kilometro sa Lunsod ng Legaspi sa Bikol.  Ang Bukal ng Tiwi ay pinagdarayo ng ating kababayang Pilipino at mga dayuhang turista dahil sa mainit na tubig na sinasabing gamot sa iba't-ibang karamdaman.

Noong unang panahon raw, ang Tiwi ay isang magandang nayon.  Bukod dito, nakilala rin ang Tiwi dahil sa magagandang dalaga sa pook na ito.  Nabalitaan raw ito ng anak ng Haring Araw.  At isang araw, sakay sa kanyang karuwahe ay namasyal ang binata sa Tiwi.  Magaganda ang mga dalagang kanyang nakita.  Nabighani kaagad siya sa ganda ni Aila, ang pinakamaganda sa lahat ng dalaga sa Tiwi.  Mabilis na bumalik ang binata kay Haring Araw at ibinalita niya ang napakagandang dalaga na nakita niya.  Sinabi niya sa hari na iniibig niya ang dalaga at ibig niya itong maging asawa.

Malungkot na umiling ang hari at ipinaliwanag sa binata na hindi maaaring mag-asawa ang katulad niya sa mga karaniwang tao.

Nalungkot ang binata sa sagot ng ama kaya hindi na siya namasyal nang sumunod na mga araw.  Ang kanyang karuwahe, kasuotan at mata na nagbibigay liwanag ay hindi na nakita ng mga tao.  Dahil dito nagdilim ang mundo.

Naisip ni Haring Araw na kaawa-awa ang mga tao.  Kinausap niya ang binata upang muling magliwanag ang daigdig.  Pumayag ang binata.  Binalak niyang bumalik sa Tiwi at pakasalan ang magandang si Aila na lingid sa kaalaman ni Haring Araw.

Mabilis na nagbihis ang binata at masiglang sumakay sa kanyang karuwahe.  Dahil dito muling lumiwanag ang paligid.  Kaagad niyang pinuntahan ang Nayon ng Tiwi upang magpahayag ng pag-ibig sa magandang si Aila.  Ngunit nang malapit na siya sa nayon ay sumiklab ang apoy.  Nakita niya na nagtatakbuhan ang mga tao upang iligtas ang kanilang sarili.  At nakita ng binata ang magandang si Aila kaya mabilis siyang bumaba upang iligtas ang dalaga.

Natupok ang buong nayon at ang lahat ng tao roon.  Kinalong ng binata ang natupok na dalaga.  Sa isang iglap ay naging abo ang katawan ng magandang si Aila.  Biglang sumaisip ng binata na sadyang magsisiklab ang anumang bagay na mapapalapit sa kanyang karuwahe at kasuotan, gayundin kung matitigan ng kanyang mga mata.  Naalala rin niya ang paliwanag ng kanyang Amang Araw na hindi maaaring mag-asawa sa karaniwang tao ang katulad nila.  Malunkot na sumakay na muli sa kanyang karuwahe ang binata.  Bumalik siya kay Haring Araw upang ibalita ang masamang bunga ng pag-ibig niya sa isang magandang dalaga.

Sa paglipas ng panahon, nakita ng mga tao ang pagbabagong bihis ng natupok na Nayon ng Tiwi.  May bumukal na tubig sa gitna ng natupok na pook at muling naging lunti ang paligid.  Mula na noon hanggang sa ngayon, pinagdarayo ng mga tao ang bukal ng Tiwi dahil sa mainit na tubig na bumabalong sa bukal na namumuti sa singaw ng init ng araw.

Sunday, June 14, 2015

The Moonlit Warrior Goddess of Bicol

 


Haliya Bicolano goddess of moonlight and arcenemy of the Bakunawa



The Moonlit Warrior Goddess 

Ang Mandirigmang Diyosa ng Liwanag ng Buwan

Sa mitolohiyang Pilipino, lalo na sa sinaunang kultura ng Bicol, si Haliya ay isang makapangyarihang diyosa na iginagalang ng maraming kababaihan. Kilala siya bilang kalaban ng dambuhalang ahas na si Bakunawa, na pinaniniwalaang lumalamon sa buwan.  Ayon sa mga kwento ang siya ay anak ng sinaunang bathala ng buwan na si Bulan.

Si Haliya bilang bathala ay sumisimbolo sa lakas, tapang, at liwanag ng buwan. Siya rin ang kapatid at tagapagtanggol ni Bulan, ang diyos ng buwan, na inilarawan bilang mahina at mas maamo. Sa kanilang dalawa, si Haliya ang kumakatawan sa katatagan at determinasyon. Kahit kapwa sila hinahangaan sa kanilang kagandahan, pinipili ni Haliya na magsuot ng maskara upang itago ang kanyang anyo, na nagpapakita na mas mahalaga ang lakas ng loob kaysa panlabas na anyo.

Inilalarawan si Haliya bilang isang napakagandang dalaga na may makinang at maputing balat na tila kumikislap sa liwanag ng buwan. Mayroon siyang mahabang itim na buhok at malalim na mga mata na parang hatinggabi. Kasama ang kanyang kambal na si Bulan, sila ay itinuturing na mga nilalang na makalangit dahil sa kanilang kakaibang ganda at alindog. Ayon sa alamat, bumaba si Haliya sa mundo matapos siyang hikayatin ng mga nilalang ng hangin na maligo sa tubig. Ipinapakita nito ang koneksyon ng mga diyos sa kalikasan at sa mundo ng tao.






The Moonlit Warrior Goddess:

Mayroon ding ritwal na tinatawag na “Halya” na isinasagawa tuwing kabilugan ng buwan. Sa ritwal na ito, lumalabas ang mga tao, nag-iingay gamit ang mga tambol at iba pang instrumento upang takutin si Bakunawa at pigilan itong kainin ang buwan. Sa paglipas ng panahon, ang simpleng pagdiriwang na ito ay naging mas espiritwal. Naniwala ang mga tao na sa pamamagitan ng ritwal, tinatawag nila si Haliya upang protektahan ang buwan at ang kanilang komunidad laban sa panganib at kadiliman. Nagiging bahagi rin ng selebrasyon ang kainan at kasiyahan, ngunit may kasamang paggalang sa mga diyos at sa kapangyarihan ng kalikasan.

Haliya moon goddess

Haliya Masked Goddess of the Moon



Physical Attributes and Beauty:

Depicted as a strikingly lovely young woman, Haliya possesses fair and radiant skin that seems to glow in the moonlight. Her long black hair and eyes as dark as midnight contribute to her ethereal beauty. Alongside her twin brother Bulan, they shine as celestial beings, captivating the heavens with their unparalleled grace and charm. The mask she wears becomes a symbol of her decision to shield her beauty from the admiration of others.



The Mythical Descent:

According to mythology, Haliya's descent to the earthly waters was influenced by the wind people, or Taong Lipod, who convinced her to bathe in the waters below. This act is significant as it emphasizes the connection between the divine and earthly realms. Haliya's interaction with the waters symbolizes her engagement with the forces of nature and the elements, showcasing her dynamic role in the mythology of Bicol.




Otherworldly Beauty:

Haliya's beauty is often described as otherworldly, with her fair and luminous skin radiating a celestial glow. Her long black hair, darker than midnight, echoes the characteristics of her twin brother, Bulan. This sibling pair, with their enchanting allure, becomes central figures in Bicolano mythology, capturing the imagination and reverence of those who worship them.




Halya and Bulan

 Summoning the Moon goddess in myths


"Halia" was a ritual performed during the full moon. Tribespeople would exit their homes, gather in the streets, and create a cacophony of noise to deter the serpent Bakunawa from devouring the moon. The ceremony also aimed to dispel malevolent spirits.


The ancient ritual of Halya, once a simple celebration of the full moon, gradually transformed over time into a mythical summoning of the goddess of the Moon, known as Haliya. As stories and myths evolve through generations, the Halya ritual took on deeper spiritual significance, incorporating elements of divine intervention and protection.

Originally, the festival of Halya was marked by extravagant festivities, characterized by the thunderous noise of drums, tambourines, and hollowed-out logs. The purpose of the celebration was to honor the full moon and ward off the threat of the BaconanĂ¡ (Bakunawa), a feared creature believed to devour the moon, plunging the world into darkness. The disappearance of the moon during eclipses reinforced this belief, as the people interpreted it as evidence of the BaconanĂ¡'s influence.

As the ritual evolved, so too did the mythology surrounding it. Over time, the people began to personify the protective forces of the moon, giving rise to the concept of Haliya, the goddess of the Moon. Haliya became a symbol of strength and defense, defending the male lunar deity Bulan from the threat of the Bacunawa

In the revised narrative, participants in the Halya ritual not only celebrated the beauty of the full moon but also invoked the protective powers of Haliya to safeguard their world from darkness and disaster. The ritual took on a deeper spiritual significance, as participants believed they were actively engaging with divine forces to ensure the prosperity and well-being of their community.

The culmination of the ritual was marked by feasting and revelry, as participants indulged in tuba and enjoyed the bounty of the land. However, underlying the festivities was a sense of reverence and awe for the mythical beings they invoked and the cosmic forces they sought to appease.

Thus, the ancient ritual of Halya transformed into a mythical summoning of Haliya, the goddess of the Moon, as the people's beliefs and traditions evolved over time.



Cultural and Spiritual Significance:

Haliya's stories and worship hold a special place in the cultural and spiritual heritage of Mythology in Pre-Hispanic Bicol. As the goddess of moonlight and a symbol of strength, she embodies the qualities that women in the region might have aspired to emulate. The concealment of her beauty through the mask underscores the idea that true strength lies not only in physical attributes but in the wisdom and fortitude that come from within.



Haliya, the moonlit warrior goddess, emerges from the pages of  Bicolano mythology as a captivating and multifaceted figure. Her role as the protector of Bulan, her mythical descent, and her otherworldly beauty contribute to the rich cultural and spiritual narrative of the region. Haliya stands not only as a symbol of celestial beauty but also as a representation of inner strength and resilience, inspiring generations with her timeless tales.


















REMINDER

The orally transmitted mythology of the Philippines is intended for sharing and understanding, not for appropriation, commercial exploitation, or the promotion of foreigners and foreign products. It is a dynamic narrative tradition that evolves over time, distinct from the standardized mythologies found in Western and European cultures. Unlike these established mythologies, the Philippine government has not mandated standardized versions of stories and legends.

Orally transmitted stories undergo variations and evolve over time, resulting in numerous different versions. There are many different version told by Filipinos,and retold by Filipinos.