Monday, July 21, 2025

Ang Alamat ng Lawa ng Bulusan

  


Maraming ibat ibang kwento ang Lawa ng Bulusan, gaya ng Si Bulusan nan Si Aguingay ang magkasintahan.  Mayroon din naman ay tungkol kay Datu Bulan isa pang kwento ukol sa lawa. May mga nagsasabing ang Bulusan Lake ay dugo ng ibong Dambuhalang Mampak, at ang San Bernardino Island ay kung saan ito inilibing.

Maganda at kahanga-hanga ang Lawa ng Bulusan. Ito ay nasa tuktok ng bundok at napaliligiran ng malalagong punung-kahoy. Malinaw at malalim ang Lawa ng Bulusan. Isa ito sa mga magaganda at kilalang pook sa Kabikulan kaya ito ay ipinagdarayo ng mga turista taon-taon. Saan nagmula ang Lawa ng Bulusan? Ganito ang kuwento ng matatanda sa nagpapaliwanag ng pinagmulan ng maganda at kahanga-hangang lawa sa tuktok ng bundok. Noong unang panahon, si Datu Bulan ay kilalang kilala sa buong Kabikulan dahil sa kaayusan niyang gumamit ng busog at pana. Nakilala rin siya bilang mabuting puno ng kanyang nasasakupan. Matagal ding panahong naging masagana, mapayapa at maligaya ang mga katutubong nasasakupan ng datu hanggang sa dumating isang araw ang isang malaki at maitim na ibon sa kanilang pamayanan. Mula na noon nangamba ang mga tao sapagkat tuwinang umaga ay nakikita nila ang kakaibang ibon na umaaligid sa kanilang pamayanan. Nagkaroon ng takot ang mga katutubo nang mapansin nilang nagiging mababa ang lipad ng maitim at malaking ibon. Inisip nilang baka na lamang dagitin ng malaking ibon ang maliliit na mga bata na di mapigil sa paglalaro sa kani-kanilang mga bakuran. Dahil sa ganitong pangyayari, tinawag ni Datu Bulan ang kanyang matatandang tagapayo at sila ay nagpulong. Napagkaisahan nila sa kanilang kapulungan na patayin ang ibon. Noon din ay tinawag ni Datu Bulan ang lima sa pinakamahusay niyang kawal sa paggamit ng busog. Sila ay pinapaghanda ng datu. Kinabukasan, maagang lumakad ang pangkat patungo sa gubat upang hanapin ang malaki at maitim na ibon. Kaagad nilang nakita ang ibon nakadapo sa sanga ng malaking punungkahoy. Nang makita sila ng ibon ay lumipad ito patungo sa kanila at nagpaikot-ikot sa kanilang ulunan. Sabay-sabay na tinudla ng pana ng mga kasamang kawal ng datu ang ibon. Si Datu Bulan naman ang naghanda ng kanyang busog at pana. Kanya itong pinakawalan at Tsok! Tamang-tama sa dibdib ang malaki at maitim na ibon. Ngunit nagpatuloy nang paglipad ang sugatang ibon hanggang sa makarating ito sa maliit na lawa. Naging kulay pula ang tubig ng lawa. Nang di na makatagal ang ibon, ito ay bumagsak sa lawa at kitang-kita ng datu at ng kanyang mga kasamang kawal na nawala at sukat ang malaki at maitim na ibon na waring hinigop ng tubis sa lawa. Unti-unting lumaki ang tubig hanggang sa kasalukuyang laki nito ngayon. Nalaman ng mga katutubo ang kinasapitan ng malaki at maitim na ibon at ang paglaki ng dating maliit na lawa. Mula noon, tinawag ng mga tao ang katawan ng tubig sa tuktok ng bundok na Lawa ng Bulusan. Ang ibig sabihin nito ay tubig na inagusan ng dugo.


Sa tuktok nin bukid, tahimik na naglalayag,

An Lawa nin Bulusan, malinaw asin marhay.
Palibot kagsa-kagsa, punong kahoy naglililim,
Lahi nin paraisong sa Kabikolan yaon an giting.

Mayo pang magtatao sa gandang pinapagalang,
Kaya mga bisita, taon-taon nagdadagsa man.
Pero may istoryang sa laog may tinatago,
Pag-orog sa siring nin sining kaanyag na lugar ko.

Kuwento nin gurang, istorya nin kaaraman,
An pinagbuhatan kan lawa, pakinggan ta siring maray.

Si Datu Bulan, datung mapanahon,
Busog asin pana, sa kamot an taramon.
Maginabangon, igwang pagkamuot sa sakop,
Pinagpapahingalo an kabukidan, laog nin pag-idop.

Dagos an katahunan, uran asin araw,
Muntilog an mga tawo, nagpapahingalo, payapa an law.
Pero minabot an ibon  dakula, itom, mapang-imbabaw,
Naglipad sa langit, an mga aki nagtagò, nagininalang.

"Ay, bako ini basta lang hayop," sabi nin gurang,
"Baka kinukuha an aki, sa langit idadarang!"

Dagos nagpulong si Datu, mga pinagtutubò tinawag,
Kinakaipuhan an sala, si ibon dapat madakop,
Nagdara nin busog, lima an pinili mga kawal na halang ang bituka,
Pagkaaga pa, sa kakahoyan, sa laban nagsadulok.

Sa sanga nin kahoy, si ibon nagpapahingalo,
Pero sa pag-abot kan mga kawal, nilipad ini paibaba,
Nagpaikot sa saindang ulo, may gahum, may lakas,
Kaya sabay-sabay tinudla! Pana nagpadaog sa hangin nin bukas.

Si Datu Bulan, nag-abang nin tsansa,
Pinakawalan an pana, sa dibdib igwa nin tama!
Nagkurog si ibon, pero naglipad padagos,
Hanggang sa dakulang huring lugar  sa may lawa, an pagtugos.

An tubig, dating malinaw, nagkulay pula,
Para bang dugo an nabubo, siring salang dakula.
Si ibon, nalubog, nawara, waring sinupsop,
An lawa, nagdakul... dakul pa lalo, tubigon nagdarakop.

Kaya ngonian, an mga tawo nagtaram,
“An Lawa nin Bulusan,” iyo an tinawag, an panganiban.
Tubig na pinag-agasan nin dugo, siring hinibi kan kasaysayan,
Na sa puso nin Kabikolan, dae malilingawan.

Bulusan Lake is a beautiful and famous lake on top of a mountain in the Bicol region. This is one of the many legends of the origin of the Lake, Long ago, a powerful datu named Datu Bulan protected his people. One day, a large black bird appeared and scared the villagers.

Afraid the bird would harm the children, Datu Bulan and his best warriors hunted it. Datu Bulan shot the bird with an arrow, and it flew to a small lake. The bird fell into the water, and the lake turned red. Then, the bird disappeared, and the lake grew bigger and bigger.

Since then, people have called it Lake Bulusan, which means “lake where blood flowed.”



REMINDER

Avoiding Foreign ManipulationWeaponizing myths and stories and using them as an excuse to attack, harass and even stalk storytellers or communities risks distorting their purpose. Myths are meant to unify, educate, or entertain, not to create division or hostility among Filipinos.

Filipino mythology belongs to everyone Filipinos, Filipinix, and even foreigners. These stories are meant to unite, inspire hope, and empower. They are for all, ever-evolving yet forever a cultural treasure.



Both oral and written mythology in the Philippines are valid because they serve different but equally important roles in preserving Filipino heritage. What is truly harmful is when foreigners manipulate these discussions for personal gain, attempting to invalidate one aspect of Filipino mythology to cause division. Instead of falling for such tactics, Filipinos should embrace the richness and diversity of their own stories, ensuring that both oral and written traditions continue to thrive.

Don’t Stalk or Harass Storytellers Online.

This should be obvious butt some folks need the reminder. Disagreeing is fine, but attacking, doxxing, or bullying creators? Big no-no. You’re not “correcting history,” you’re just being creepy. Respect the people keeping these stories alive.

Foreigners Please don’t use Filipino myths to farm views, start drama, or pit Filipinos against each other. These stories are meant to unite, not divide. If your content is causing more fights than fascination, it might be time to step back and rethink the approach.

Orally transmitted stories undergo variations and evolve over time, resulting in numerous different versions. There are many different version told by Filipinos, and retold by Filipinos.

The orally transmitted mythology of the Philippines is intended for sharing and understanding. It is a dynamic narrative tradition that evolves over time, distinct from the standardized mythologies found in Western and European cultures. Unlike these established mythologies, the Philippine government has not mandated standardized versions of stories and legends.

Orally transmitted stories undergo variations and evolve over time, resulting in numerous different versions. There are many different version told by Filipinos, and retold by Filipinos.



No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.